Payo kay Gen. Bacalzo at jueteng sa NCR at STL

HINDI na kailangang lumayo, sa National Capital Region lang ay nagkalat ang mga anak ng jueteng.

Kung talagang seryoso ang administrasyon ni PNoy na puksain ang salot na jueteng, umpisahan n’ya na sa Maynila.

Yung bolahan lang ni Tony Santos ay nakabase riyan sa Blumentrit.

Pero ano ang ginagawa ni Gen. Roberto Rongavilla ng Manila Police District?

Sa halip na siya mismo ang manghuli, si Mike Pornillos daw ang pumupunta.

Bakit?

Para raw mangolekta ng lingguhang payola.

Bakit kaya kinukunsinti ng NCRPO ni Gen. Leocadio Santiago ang gawaing ito ni Pornillos?

Dahil ba mayroon ding Sgt. Wave alias Aguas ang NCRPO ni Gen. Santiago na makikita mo rin sa bolahan ni Tony Santos?

Hooops! Hindi ho naniniwala ang ULTIMATUM na may kinalaman si Gen. Santiago sa kolektahan na yan dahil ang itinuturo po ng ating uzi ay itong hepe ng RPIOU na si Col. Medina.

Pero ang inginunguso naman daw ni Medina ay yung hepe ng R2 na si Col. Santiago.

Ehem! Ingat kayo pareho pa naman kayo ng apelyido ni RD baka sabay kayong ma-Ombudsman.

oOo

Ano yung sinasabi ni DILG Sec. Jessie Robredo na mismong operatior na ng Small Town Lottery ang magbabantay laban sa iligal na jueteng?

Hep! Hep! Hep! For your information, Sec, mismong nagpapajueteng po ang nagmamay-ari ng karamihan ng STL sa bansa.

Ang modus operandi ay opisyal na tauhan ng STL ang mangungubra at magpapataya.

Yun bang === mga may ID pang nakasabit na inisyu ng Philippine Charity ang Sweepstakes Office.

Kaya siguradong walang huli pero ang ipapasok lang na kubransa ay masuwerte na kung aabot ng 10% ng kabuuang papasok na pera.

O hindi po ba’t harapang gaguhan yan?

oOo

Gen. Raul Bacalzo, isang taon lang po kayo magsisilbi bilang chief Philippine National Police.

Sa loob ng isang taon ay naniniwala po ang ULTIMATUM na kaya ninyong durugin ang salot na jueteng na yan.

Maniwala po kayo, kaunting tiis lang at siguradong cabinet secretary ang inyong babagsakan, sumunod lang po kayo sa matuwid na landas ni PNoy.

oOo

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text     o itawag sa 09214303333. Benny Antiporda

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply