Peace talks sa MILF pinagdudahan

Sa kabila ng paniniyak ng administrasyong Aquino na seryoso ang pamahalaan na isulong ang usapang pangkapayapaan sa Mindanao region sa pagitan ng Moro Islamic Liberation  Front, nagpahayag naman ng pagdududa rito ang ilang kongresista dahil sa kawalan ng  konsultasyon at tamang representasyon nito.

Ayon  kay 2nd district Lanao  del  Norte Rep. Fatima  Aliah  Dimaporo, hindi magtatagumpay ang peace talks kung walang tamang komposisyon ng mga kakatawan sa gobyerno.

Nilinaw ni Dimaporo, spokesperson ng Mindanao bloc sa  Kamara ang  pangangailangan ng mahuhusay na miyembro ng GRP panel na nakauunawa at nakararamdam ng tamang sentimyento ng mamamayan sa Mindanao at mga Muslim.

Iginiit din ng  mambabatas ang pangangailangan ng  konsultasyon sa hanay ng mga lider ng mga Muslim para sa pagbuo ng istratehiya  para sa peace process.

Sa pagdalo ni Teresita Deles, presidential adviser on the peace process sa pagdinig  ng House Appropriation  para  sa  2010 propose  budget  ng  Office of the President, inihayag ito ang kahandaan ng gobyerno para magtagumpay ang usapang pangkapayapaan.

Sinabi ni  Deles sa komite na tuloy-tuloy ang isinasagawang pakikipagdayalogo  ng pamahalaan sa mga arma-dong grupo sa nasabing rehiyon para mapag-usapan ang tigil-putukan sa pagitan ng militar at miyembro ng MILF.

Idinagdag pa nito na anomang araw mula sa pagdating ni Pangulong Benigno Aquino III ay magsisimula na ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng GRP at MILF panel. Beth Aragon

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply