Pekeng Lacoste nakumpiska

NASAMSAM ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga pekeng Lacoste na sapatos na nagkakahalaga P700,000 sa isang pagsalakay sa Pasay City  kahapon.

Ang mga sinalakay na tindahan ay ang  stall No. B-27, Harrison Shoe Plaza, na matatagpuan sa F. B. Harrison st., at Stall No. C-15, Alok Building, Agtarap st., Pasay City.

Isang reklamo ang  natanggap ang NBI  mula sa Lacoste S.A. na nirepresenta ng Bayengzon Negre Untalan Intellectual Property Attorneys, sa 2nd Floor Sedcco Bldg., Rada corner Legaspi st’s., Makati City.

Nabatid na ang mga nasabing stall ay nagbebenta umano ng pekeng Lacoste na sapatos sa murang halaga na nagging dahilan kung kaya inereklamo ang mga nasabing establisimyento.

Ang raid ay isinagawa ng operatiba ng NBI Intellectual Property Rights Division (IPRD) noong Sept. 16 dakong 2:30 ng hapon.

Umaabot sa  179 pares ng pekeng sapatos na may trademark na “Lacoste” na pag-aari ng Lacoste S. A., na tintayang nasa  hakagang P716,000.nasamsam ng NBI.  Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply