Pekeng saksi talamak sa DOJ

NABULGAR sa Senado na maraming pekeng saksi ang nakikinabang sa Witness Protection Program (WPP) ng Department of Justice (DOJ) na ginagastusan ng gobyerno kabilang ang pagbibigay ng seguridad ng Presidential Security Group (PSG).

Sa panayam, sinabi ni Sandra Cam, pangunahing testigo sa operasyon ng jueteng laban sa dating administrasyon na mayroong “witness for hire” ngayon sa DOJ na tinatamasa ang proteksiyon ng gobyerno.

“Mayroong mga saksi sa DOJ na bayaran na lumantad noong 2005 na tumestigo laban sa jueteng na si Richard Garcia,” ayon kay Cam.

Sa ganitong punto, kaagad hiniling ni Sen. Vicente Sotto III kay Senior State Prosecutor Leo Dacera na rebyuhin ang programa at imbestigahan ang ibinulgar ni Cam.

Sinabi ni Cam sa Senado na tinatamasa ni Garcia hanggang ngayon ang proteksiyon ng gobyerno na may anim na security mula sa PSG.

“Tinatamasa pa nya hanggang ngayon ang benipisyo at proteksiyon mula sa WPP,” ayon kay Cam

Binanggit din ni Cam na isang Joey Dy ang siyang nagbayad ng halagang P3 milyon upang maging saksi si Garcia laban sa jueteng noong 2005. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply