People’s Power sagot ng Katoliko sa RH bill

NAGBANTA  kahapon ang mga obispo ng Simbahang Katoliko na magsasagawa sila ng civil disobedience campaign kung isasabatas ng gobyerno ang kontrobersiyal na reproductive health (RH) bill.

Ayon kay Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) public affairs unit head, Caloocan Bishop Deogracias Iñiguez Jr., mananawagan sila sa publiko na huwag sundin ang nabanggit na batas.

Nilinaw ni  Iñiguez, malaki ang posibilidad na ipapasa ng Kongreso ang RH bill dahil sinabi ni Pres. Benigno Aquino na suportado niya ang artificial birth control.

Isinusulong lamang ng Simbahan ang natural family planning. Nenet Villafania

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply