Philippine Heart Center employee todas sa ambush

Dead on the spot ang isang lalaking empleyado ng Philippine Heart Center, habang sugatan naman ang isang babae makaraang paulanan ng bala ng dalawang hindi pa  nakilalang kalalakihan sa Brgy., Payatas, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang namatay na biktima na si Geronimo Gonzales,  36, empleyado ng Philippine Heart Center ng  20 Dona Aurora cor Everlasting st., Brgy. Payatas A, nasabing lungsod.

Isinugod naman  sa East Avenue Medical Center (EAMC) at sumailalim sa operasyon  dulot ng tumamang ligaw na bala sa baywang si Ma. Richie Maradi, 34, ng Lower Everlasting, nasabi ring barangay.

Sa ulat, naglalakad ang biktima sa nasabing lugar nang biglang sumulpot ang dalawang lalake na kapwa armado ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril.

Kasunod nito’y , walang sabi-sabing pinaputukan ang biktima sa hindi malamang dahilan kung saan ay nasapul ng ligaw na bala  si  Maradi na noon ay  naglalakad din sa  lugar.

Hinala ng pulisya na matinding galit  sa biktima ang motibo sa krimen. James de Jesus

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply