Philippines vs Myanmar magsasalpukan sa UMAK ngayon!

MAGSASALPUKAN ang Pilipinas at Myanmar sa AFC U-19 Women’s Division Championship sa ika-dalawang araw ng pagsipa ng torneo sa world class na University of Makati (UMAK) Football at track & Field ngayon (Miyerkoles) sa ganap na ala-3:00 ng hapon.

Inaasahang dudumugin ang torneong inorganisa ng Philippine Football Federation (PFF) President Jose Mari Martinez at sa partnership ng Philippine Sports Commission (PSC) ni Chairman Ritchie Garcia, sa dahilang matagal ng inaantabayan ng mga guro at mag-aaral ang mapanood ang ganitong laban lalo na’t ang Pilipinas ang lalahok.

Ayon sa isang guro “Sa wakas natuloy din ang larong ito, ang tagal nating hinintay”. Habang pinapanood ang laban ng Uzbekistan at Myanmar.

Magkakaroon ng malaking puntos ang mananalo dito ang babagsak naman sa zero puntos ang matatalo para sa kanilang ranking.

Sakaling matalo ang Pilipinas ay mayroon pa silang tsansa na umangat sakaling talunin nila ang powerhouse Uzbekistan sa Biyernes sa parehong oras at lugar

Samantala sa unang laban noong Lunes ay nagwagi ang Uzbekistan sa Myanmar sa iskor na 1-0 sa pamamagitan ni Selime Gugueva (9) sa kalagitnaan ng 1st half ng laro.

Isang follow-up play ang isinagawa ni Gugueva sa free kick ng isa niyang kakampi sa larong ay tumagal ng dalawang oras at kalahati.

Ang namuno sa Uzbekistan ay si coach Had Vladislav at sa Myanmar naman ay si coach Soe Moe Kyaw. Genie Villota

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply