Pilipinas Win na Win, sisibakin na

Kompirmadong sisibakin na sa ere ang Pilipinas Win Na Win. Balita namin ay hanggang Sept. 30 na lang ito sa ere at papalitan na ng Deal or No Deal na dating game show ni Kris Aquino.

Kaya ang tanong ng marami, paano na ngayon sina Pokwang, Mariel Rodriguez, at Valerie Concepcion? Hindi kaya parang inilaglag sila sa sitwasyong ito? Kasi, parang lumalabas na naging panakip butas lang ang tatlo sa bagong show nilang ito, ‘yun pala ay tsustugiin din agad. Parang, pinag-eksperimentuhan na kung kakagatin ng publiko ang show, okay at tuloy ang ligaya. Pero kung hindi mag-rate, tsugi agad at palitan ng ibang show para kay Kris.

Sayang lang ang pagiging loyal at pagdikit ni Pokwang kay Kris, ‘yun pala ay mawawalan din siya ng daily show.

Anyway, bale two months lang inabot ng Pilipinas Win Na Win, knock-out na agad ito sa super sa lakas at isang pader na ubod ng tibay na noontime show ng bayan, ang Eat Bulaga!

Ang isa pang tanong, dahil katapat pa rin ng Eat Bulaga ang Deal or No Deal, hindi kaya titiklop din ito very soon dahil talagang rumaratsada ngayon ang noontime show nina Tito Sotto, Vic Sotto & Joey de Leon sampu ng EB Dabarkads dahil sa lakas ng hatak nito sa masa?

Ang hirap naman kasing kalabanin o tapatan man lang ng isang intitusyong tulad ng Eat Bulaga na naging bahagi na ng pananghalian ng maraming Pinoy sa napakahabang panahon na. Iyon ang dapat na isipin ng bawat show na magtatangkang mangahas na tumapat sa EB.

*   *   *
Iba na ang aura ngayon ni Francine Prieto mula nang dumaan siya sa napakaraming pagsubok ilang buwan na ang nakararan. Mula sa inang namatay sa sakit na cancer na naging dahilan para sobrang ma-depressed si Francine na nagbunga ng pagdagdag niya ng unwanted weight, hanggang sa nawalan siya ng projects.

Pero nang nakahuntahan namin si Francine sa presscon ng Ever Bilena Cosmetics na isa siya sa matagal nang endorser, obvious na obvious na naka-recover na siya sa matinding unos na pinagdaanan niya sa buhay.

Aminado si Francine na malaki ang naitulong sa kanya ng pagdamay ng maraming tao nang siya ay kasalukuyang binabayo ng sunod-sunod na dagok ng buhay, na ang iba ay hindi man lang niya kakilala talaga. Nagpapasalamat din siya sa mga proyektong ibinibigay sa kanya ng ABS CBN. Sa DZMM Teleradyo (Channel 26 sa Sky Cable) napapanood at napapakinggan si Francine kasama si Bobby Yan sa kanilang midnight program na Ka-Date, 12 midnight to 2 am ang time slot nito.

Napansin din namin na nagiging seksi na ulit si Francine, pero sinabi niyang hindi pa masyado. Pero naka-focus daw siya para muling manumbalik ang dating kaseksihan niya. Nasabi rin ni Francine na may gagawin siyang movie project sa Indonesia, pero ayaw pa niyang sabihin ang mga detalye nito.

Kasama ni Francine sa Ever Bilena family ang mga bagong endorsers na sina Sam Concepcion at ang magandang panganay na anak nina Bong at Almira Muhlach-Alvarez na si Yssa Alvarez.

Bukod pa rito ang mga datihan nang sina Senator Bongbong Marcos at Christian Bautista. Nonie Nicasio

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply