Pilipinas kulelat pa rin sa Asean sa taong 2011

SAAN ba talaga patutungo ang ating ekonomiya?

Kayo, Suki, ano sa palagay ninyo ang mangyayari sa kabuhayan natin makaraan ang Kapaskuhan ngayong taon?

Sabi kasi ni Ms. Dinky Soliman sa Department of Social Selfare and Development, baka makababawi ang mga pur na senior citizen sa inaasam nilang P500 na buwanang alalay sa 2011.

Ipinanukala na umano nila na maging nasa P30 bilyon ang badyet ng Department of Social Welfare and Development mula sa dating nasa P15B lang.

Kung maaaprubahan ito, magkakaroon na ng “katiting” na alalay ang mga pobreng matatanda.

Isa pa, sa pamamagitan umano ni P-Noy na nasa “matuwid na daan”, baka umunlad na ang repablik ni Juan.

At kung maganap ito, baka magkaroon na ng isang milyong benepisiaryo mula sa pitong milyong senior citizens.

Ngayong 2010, puro karimlan ang makikita nina tatang at inang dahil bangkrap umano ang pamahalaan na iniwanan nina Goripie.

Inangkupo!

oOo

Sana naman hindi papalya ang tantiya nina Ms. Hyatt 10 para naman maranasan nang guminhawa ni Juan.

Pero paano ang sinasabi ng Asian Development Bank, International Monetary Fund at World Bank na magiging kulelat ang Pinas sa Association of Southeast Asian Nations?

Binubuo ang ASEAN ng Brunei Darrusalam, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Philippines, Singapore, Thailand at Vietnam.

Ito’y dahil sa napakatumal umano ang negosyo rito at biglang naglaho ang mga pera makaraan ang halalan, kabilang na ang sa gobyerno.

Sabi pa ng mga bangko na inuutangan ng gobyerno ng malalaking halaga, liliit pa nga umano ang kita ng repablik ni Juan sa nasa 4-5% sa 2011 mula sa nasa 6-7% sa taong 2010.

Kung tatanungin si Albay Gov. Joey Salceda, nungka na maramdaman ni Juan at ng mga pur na senior citizen ang anomang ginhawa.

Saka lang umano aapaw at may masasalok sa balon ang mga isang kahig, isang tuka kung lalagpas aabot at lalagpas sa 8% ang paglago ng ekonomiya ng Pinas.

Isa pa, wala ring gaanong maaasahan na mabungang pakikipagkalakalan ng Pinas kay Uncle Sam at sa mga taga-Europa dahil bagsak din ang ekonomiya ng mga ito.

Maala-alang alanganin ang ekonomiya ng bansang Espanya at ang Greece ay nagkalubog-lubog.

Itong Greece ay halos hindi magawang tulungan ng mga mayayamang bansang Germany, Framce at England.

oOo

Kung magaganap ang sinasabi ng 3 bangko at magbubunga ng P300B  kakulangan sa pondo, ng pamahalaan, ano ang mangyayari?

Hindi nga kaya mapapako ang pangako sa senior citizens at sa lahat ng mamamayan na umaasa ng magandang bunga ng matuwid na daan ni P-Noy?

Natututunan ko tuloy ang magdasal dahil sa aking kaba. Rey Briones

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply