Pinky, Edu nag-honeymoon sa Vietnam

Kitang-kita ng mga reporter na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) 2  na sabay dumating sina Edu Manzano at Pinky Webb galing sa kanilang trip sa Vietnam kahapon ng umaga. Si Edu raw ay may nilakad na MOA ng kung anex-anex … pero si Pinky, ano naman kaya ang ginawa niya sa Vietnam? May nilakad din ba? At bakit naman of all people, si Edu pa ang nakasabay niya sa eroplano? What a coincidence! Kung co-incidence nga itong matatawag.

Di ba sabi nila, break na sila? E ano naman kung nagkabalikan na ang dating magkarelasyon? Dapat bang ilihim yon? They are two consenting adults — at dapat ay alam na nila ang kanilang ginagawa. Pareho naman silang single! Ano ang masama?

Incidentally, lumipat na si Edu sa Siete para mag-host ng isang game show, kahit pa sinabi na niya noong kahit matalo siya ay hindi na siya lalabas sa TV. Baka naman ang ibig lang niyang sabihin, hindi na siya lalabas sa Dos.

JAMES YAP DI MAGHAHABOL SA PERA NI KRIS

Naiiritang pinasinungalingan ng tiyuhin ni James Yap na pera lang ang habol ng basketbolista kay Kris Aquino kaya ayaw nitong makipaghiwalay.

Ayon kay Emmanuel Yap, tiyuhin ni James, si Kris ang mas nakinabang sa kanilang pagsasama ni James bilang mag-asawa. Gusto lang daw maisalba ni James ang kanilang kasal ni Kris ay dahil sa kanilang anak na si Baby James.

Sabi pa ni Emmanuel, ang siyang sumuporta kay James sa kanyang career hanggang makapasok sa Philippine Basketball Association (PBA), stable ang kanyang pamangkin kung pera ang pag-uusapan. PBA player nga naman si James, na patuloy ang pag-angat ng career. Hindi raw ito tulad ni Kris na presidential sister ngayon, na unti-unting bumababa ang popularity. In fact, nang pumunta nga sila sa QCRTC, hindi ba si James ang pinagkaguluhan ng fans — at ninakawan pa nga ng halik.

Aniya, kung tutuusin ay nadehado si James. Kinuha daw ni Kris sa sasakyan ng PBA star  pero hindi na ito ipinagmakaingay sa publiko upang hindi sumama ang pagtingin ng tao kay Kris.

Hindi rin daw totoong may nabuntis si James kaya nakipaghiwalay sa kanya ang TV host/actress. May ibang dahilan daw ay hindi na siya ang magsasabi noon dahil alam niyang darating ang araw na malalaman din ng tao kung anong klaseng tao talaga si Kris.

Nakatakdang bumalik si James sa Pilipinas sa Setyembre 5, 2010 galing sa kanyang bakasyon sa Amerika.

GLORIA DIAZ, IPINAGTANGGOL NI OSMEÑA

Ipinagtanggol ni Sen. Sergio Osmeña III si 1969 Miss Universe Gloria Diaz sa iumano’y pang-iinsulto nito sa mga Cebuano. Sinabi raw ni Miss Diaz na hindi  sila marunong magsalita ng Ingles.

Ayon sa senador, na-misinterpret lang ang beauty queen. Naniniwala siyang hindi nito intensyong laiitin ang mag taga Cebu lalo pa’t Cebuano rin ang longtime boyfriend ni Gloria.

Matatandaang iminungkahi ni Diaz ang pagkakaroon ng interpreter ng Pilipinas sa mga international pageant kasunod ng naging kasagutan ni 2010 Miss Universe 4th runner-up Maria Venus Raj.

Nilinaw ni Gloria Diaz na ang ibig niyang sabihin ay karapatan ng sinumang kandidata ang sumagot sa question and answer portion kung saang lenggwahe siya komportable. Na-shock rin umano siya nang malamang hindi na siya welcome magpunta sa lungsod ng Cebu. Wala raw siyang planong insultuhin ang mga Cebuano.

Ani Gloria, na-misinterpret ng mga ito ang kanyang sinabi. Na-shock siya dahil bigla na lang nagalit sa kanya ang lahat at naging persona non grata pa siya sa Cebu.

Nagpalabas na ng resolution ang Vice Mayors League of the Philippines-Cebu Chapter na nagdedeklara kay 1969 Miss Universe Gloria Diaz na “persona non grata,” at ban na itong pumasok sa Cebu City.

Kailangan daw mag-public apology mula sa aktres at dating Miss Universe bago nila ito patawarin. Eng?.

VENUS RAJ GINAWANG PG SA PALASYO

Maniniwala ba kayong matapos anyayahan si Venus Raj sa Palasyo, hindi naman siya inasikaso ng social secretary ni Pres. Noynoy Aquino?

Aba, matapos raw paghintayin ng dalawang oras ang beauty queen, ni hindi man lamang daw pinainom kahit tubig! Aba, napakalayo ng treatment ni Mrs. Arroyo kay Manny Pacquiao niyan! Kawawa naman si Venus na napanis na nga ang laway dahil walang kumakausap habang naghihintay, ginawa pang patay-gutom. Aba, oras ng pananghalian, hindi man lamang inalok na kumain. Parang wala naman yata sa lugar ang pagtitipid ng Palasyo. Baka madala ang mga iimbitahan nyo.

In a separate report, humihigpit daw ang seguridad sa gaganaping Miss Bikolandia dahil dalawa sa mga magiging judge nito ay sina Miss Universe 4th runner-up Maria Venus Raj at Sarangani Rep. Manny Pacquiao.

Kinumpirma na ni Pacman na dadalo ito sa naturang pageant — at vocal naman si Venus na susuportahan niya ang Miss Bicolandia para sa kaibigang si Melody Gersbach na namatay na nga sa aksidente kamakailan lang. Nenet Villafania

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply