Pinoy seamen sasaklolohan

TINIYAK ni Sen. Edgardo Angara na magkakaroon ng malawakang reporma sa industriya ng maritime sa bansa kabilang ang pangangalaga sa kagalingan ng mga seaman sa pamamagitan ng panukalang Magna Carta for Filipino Seafarers Bill.

Sinabi ni Angara na walang ibang layunin ang magna carta kundi mapangalagaan ang kapakanan ng lahat ng seafarer na Filipino kabilang ang kani-kanilang pamilya, mapaunlad  ang kanilang kondisyon sa pinagtatrabahuhan at termino ng kontrata.

“Layunin nating mabigyan ng kaukulang reporma ang ating maritime industry at mas bigyang pansin ang lahat ng usaping nakapaloob sa kanilang trabaho,” ayon pa kay Angara.

Itinaon ni Angara ang paghahain ng panukala bilang pagbibigay pugay sa mamalakayang Pinoy at manggagawa sa maritime kaugnay ng pagdiriwang ng   International Seafarer’s Week at ng World Maritime Day.

Nabatid na isa ang Pilipinas sa pinakamalaking supplier ng seafarers sa buong mundo at nakapagrehistro ng halos ika-apat na bahagi ng populasyon ng mga ito. Gayunman, dahil na rin sa iba’t ibang maritime issues, nalalagay sa ngayon sa balag ng alanganin ang kanilang propesyon..

“Para sa mga Filipino seafarer, kailangang magkaroon tayo ng isang komprehensibong batas upang mapag-isa ang lahat ng probisyong nakasaad sa propesyong ito,” aniya na nagpapatungkol sa  Magna Carta of Filipino Seafarer’s bill. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply