Piyesta sa no assignment at sakit sa kalimot

ALAM ba ninyong nagkakaroon ng sakit na kalimot at kawalan ng pakialam sa kinabukasan ang mga mag-aaral dahil sa patakarang “no assignment” ng Department of Education?

Isang linggo pa lang  ngayon ang pag-iral ng patakarang “no assignment” ni DepEd Secretary Armin Luistro pero kinakikitaan na ito ng masamang bunga sa mga bata.

oOo

Heto, Suki, ang napag-alaman natin sa nagdaang Sabado at Linggo na walang asaymen ang mga bata.

Sa hanay lang ng mga nasa elementarya ang ating sinubukang testingin.

Masaya ang mga bata.

Nauutusan sila ng mga magulang sa mga gawaing bahay at natututunan ng mga ito ang tumulong sa mga gawaing bahay.

Sa mga lugar na gawaan ng mga paputok dahil sa mabilis na paglapit ng Kapaskuhan na uso ang paputok, itinatali ang mga bata sa mga kontrata sa paggawa ng paputok o pagtupi ng mga papel na gamit sa paggawa ng mga paputok.

Pati ang paghahanap ng mga pagkain, gaya ng paghahanap ng mga talbos sa paligid, may ahas o wala, ay pinupuwersa ang mga bata.

Nagkaroon naman ng mga panahon para makapamasyal bilang isang pamilya ang mga ilang magkakamag-anak, pero ang mga may pera lang.

Ang mga malalaki, greyd 5 at 6, nangangapitbahay at tumutulong sa mga paghahanda ng mga nagbeberdey o nagpapabinyag.

May nakaiisip na mamasyal sa mga malalayong lugar.

Pero barado sila sa mga lolo’t lola na ayaw o walang panggastos sa kanila, bukod sa pag-iingat sa mga ito na magiging biktima ng mga strit kraym. Parang piyesta o langit sa mga bata ang Sabado at Linggo.

oOo

Ang “no assignment” palisi ni Bro. Armin ay parang langit sa mga bata samantalang impiyerno sa kanila ang dating “with assignment” para sa Sabado at Linggo?

Maaari ngang totoo. Pero heto ang ating pinaggagawa sa mga batang enjoy na enjoy sa no asaynmen.

Nagtanong-tanong tayo, Suki, kung ano ang natatandaan nilang mga leksyon noong nakaraang Lunes hanggang Biyernes. Higit na marami ang nakalimot.

Nagtanong-tanong din tayo sa kung ano-ano ang mga inaasahan nilang leksyon nina mam at sir ngayong linggo mula sa Setyembre 27. Lalong higit na nakararami ang walang alam o walang pakialam.

Yun pala, pagdating ng mga bata sa bahay sa hapon ng Biyernes, kinakalimutan na nila ang lahat at yang grandeng bakasyon ang nasa utak.

At nakararami ang walang kusa na magbasa ng aklat para mag-adbans ng aralin o kahit magrebyu man lang sa mga nakaraan nilang mga leksyon.

Ano kaya ang mangya-yari sa mga “hope of the motherland,” Bro. Armin?

Mukhang taliwas ito sa kasaysayan ni Kristo na sa murang edad ay pumapasok na sa mga sinagoga para magturo ng magagandang balita at hamunin ang mga wais noon sa debate. Rey Briones

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply