Plastic toys ipinagbawal na rin

MATAPOS ideklara ng Food and Drug Administration (FDA) ang pagbabawal na gamitin sa mga cosmetic product ang mataas na content ng mecury, nagbabala naman ang Ecowaste Coalition sa pagbebenta ng mga laruang nagtataglay ng nakalalasong kemikal sa iba’t ibang pamilihan ngayong Kapaskuhan.

Ayon kay Ecowaste President Roy Alvarez, lalo pang dapat maghigpit ang pamahalaan sa kampanya nito laban sa mga laruang may banta sa kalusugan ng mga bata.

Batay sa paglilibot ng grupo sa Divisoria, bagsak ang dalawang laruang binili sa lugar sa isinagawang pagsusuri dahil sa mataas na lebel ng lead at phthalates na kapwa gawa sa Singapore.

Ang phthalates ay isang industrial plastic na nagpapalambot sa plastic at nakapipinsala sa reproductive system habang ang lead naman ay nakaaapekto sa utak at nervous system ng tao.

Nabatid na noong ika-16 ng Agosto ng Consumer Association of Singapore (CASE) sa pagsusuri nito, na 23 mula sa 50 laruan na gawa sa kanialng bansa ay nagtataglay ng mga nabanggit na kemikal. Johnny F. Arasga

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply