PNoy: Mga Pinay inasido, sinagasaan, nire-reyp

HAHAYBLADIN ka, Suki, sa sinasapit ng ating mga overseas Filipino worker.

Lalo na sa parte ng kababaihan.

Hindi mo masisikmura ang ginagawa sa mga ito ng kanilang mga malulupit o manyakis na mga amo o employer.

Sa Gitnang Silangan o sa mga Arabong bansa lalo na, inangkupo, grabe.

oOo

Ngayon ay nakikidalamhati  tayo, Suki, sa mga pinapaslang na migranteng kababaihan.

Sa ulat ng mga onorabol sa Department of Foreign Affairs, isang babaeng OFW ang pinagsasaksak sa leeg, sikmura at kamay at pinainom pa ng isang bote ng asido na naging sanhi ng kamatayan nito sa Saudi Arabia.

Natagpuan ang kanyang bangkay sa kusina ng kanyang amo.

Nauna rito, tinadtad naman ng saksak ng kanyang selosong asawang Egyptian si Norhaisa Nasa Andao sa Kuwait.

Kababalik lang ni Norhaisa sa Kuwait mula sa repablik ni Juan nang pagbubugbugin siya ng asawa at nang humiling itong humiwalay, doon na siya sinaksak ng 31 beses na kanyang ikinamatay.

Sa Kuwait pa rin, dinala sa disyerto at tinortyur ng mag-asawang among Egyptian si Asria Samad Abdul.

Hindi pa nakuntento ang mag-asawa, tuluyan itong pinatay sa disyerto sa pamamagitan ng pagsagasa sa kanya ng dala nilang sasakyan.

oOo

ANO kaya ang masasabi ni P-Noy sa sunod-sunod na pamamaslang sa mga OFW?

Kaugnay ito, Suki, ng pagtsaptsap ni P-Noy ng badyet para sa laban ng mga OFW sa kanilang iba’t ibang kaso sa ibang mga bansa, kabilang na ang mga pamamaslang sa kanila.

Ulitin natin ang mga puntos dito.

Ngayong taon ay may badyet na P50 milyon ang para sa legal assistance fund ng mga OFW.

Pero sa susunod na taon, naglaan lang sina P-Noy ng P25M habang ang sinasabi talaga ng batas na Migrant Workers Act ay P100M taon-taon.

oOo

Ang mga kaso nina Norhaisa at Asria, kabilang na ang pagdedepensa sa mga bilanggong OFW at pakikipaglaban sa iba pang mga kaso, ang pinaglalaanan ng P100M na legal assistance fund.

Pero para sa 2011, kinatay-katay ni P-Noy ang pondo para rito at ginawa na lang itong P25M.

Ano sa palagay ninyo ang magaganap sa pagtsaptsap ni PNoy ng pondo para sa depensa ng mga inaasunto at paghahanap ng katarungan para sa mga OFW?

Paano ang panggastos sa mga abogado, pagpiyansa, pagsasampa ng mga kaso, komunikasyon sa mga pamilya at marami pang ibang pangangailangan ng mga OFW nagkakaproblema?

Warning shot kay P-Noy: huwag iitsapuwera ang mga OFW. Karma, Yur Ekselensi, ang aabutin ninyo pag ganito ang pagtrato ninyo sa kanila.  ang trapik diyan.

Kayo rin! Rey Briones

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply