PNoy okey lang kahit wala “Sha”

NANANATILING MASAYA si  Pangulong Benigno Aquino III kahit wala sa kanyang tabi ang  kasintahan na si Valenzuela City Shalani Soledad.

Tugon ito ito ni Presidential spokesman Atty. Edwin Lacierda sa balitang kumpirmadong hiwalay na ang magkasintahan.

“Masaya siya. Masaya siyang tao kapag may meeting kami…siya ay typical…typical. and , in the spirit of transparency, I’m not aware because I  have never asked the President on that particular question,”  wika ni  Lacierda.

At dahil hindi naman national importance ay sinabi ni Lacierda na hindi nila kailanman napag-uusapan ang lovelife ni Pangulong Aquino kahit sila-sila na lang ang magkakasama.

“Kapag hindi mahalaga yan para sa bayan. hindi ko tinatanong sa Pangulo,” dagdag ni  Lacierda.

Nauna rito, may lumabas sa blog site na split na si PNoy at si Soledad.

At kung sakali man aniya na may problema sa usaping puso ang Punong Ehekutibo ay tiniyak ni Lacierda na hindi apektado ang pamamalakad nito sa bansa.

“We have always discussed matters of state. His demeanor has never changed. He is always level headed. I don’t know where is that questiong is coming from.  Maayos po ang kanyang disposition. Hindi ko po alam ang kanyang pribadong estado kaya hanggang dun lang aking masasabi,” wika ni  Lacierda. Kris Jose

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply