PNoy takusa sa mga Huwes, dedma sa mga OFW

MEDYO natuturete tayo sa pakikisama ni PNoy sa kanyang mga nasasakupan.

Kaya masasabi nating dapat na bantayan ni PNoy ang mga hakbang nito sa usapin.

Kaugnay ito, Suki, ng tila magkaibang pagtrato nito sa mga huwes at overseas Filipino worker.

Kitang-kita na natataranta si PNoy sa warning shot ng mga huwes na mag-aaklas sila kung tsatsap-tsapin ng rehimeng Aquino ang kanilang badyet sa susunod na taon.

Para namang “pasok sa isang tainga, labas sa kabilang tainga” nito ang reklamo ng mga OFW sa pagtsaptsap nito sa legal assistance fund para sa kanila.

oOo

Heto’t makikipagpulong yata mismo si PNoy sa niredyek niyang Chief Justice na si Renato Corona para lang maplantsa ang gusot nila ukol sa badyet.

Ito’y sa gitna ng hindi natitinag na bantang pag-aaklas ng mga huwes kung ipagpapatuloy ni PNoy ang plano nitong kalahati lang ng taunang badyet ang ibibigay nito sa kanila.

Ano ang meron sa mga huwes na hindi pupuwedeng pahindian o kinatatakutan kaya nina PNoy at mga tsuwariwap nito, huh?

Sa kabilang banda, hindi natin naririnig si PNoy na may iskedyul ding pakikipag-usap sa mga migrante para plantsahin din ang gusot sa LAF.

Sinasabi ng Migrant Workers Act na dapat taunang may P100 milyong ang LAF para sa mga nagkakaso, nabibilanggo at nahahatulan ng bitay sa ibang mga bansa.

Pero tinadtad nito ang badyet at naglaan lang ng halagang P25M

oOo

Kung lilingunin ang halalang 2010 na naging daan upang maging bosing ng repablik ni Juan si PNoy, maraming di hamak ang bilang ng mga OFW na nagpanalo sa kanya kumpara sa mga huwes.

Kung pagsama-samahin ang boto ng 13M OFW at boto ng mahigit sa triple na bilang ng kanilang mga pamilya at ikumpara sa libong boto lang ng mga huwes para kay PNoy, dapat sana ay higit na paglilingkuran ni PNoy ang mga OFW.

Ang siste, Suki, ang mga huwes ang higit na pinahahalagahan ni PNoy. Bakit?

Ang masakit pa rito, ang mga OFW na bumubuhay sa ekonomiya, may krisis man o wala, sa padala nilang $17 bilyon taon-taon ay tila wala sa listahan ng mga prayoridad ng pamahalaang Aquino.

Samting is gribusli rong, Mr. President.

Kung sino pa ang pinagkakautangan ng loob at buhay ng buong pamahalaan, sila pa ang iniitsapuwera.

Pero bigyan natin ng benepit op dawt itong si PNoy.

Siguro ang nasa utak nito ay malakas na kapangyarihan ang Hudikatura sa gobyerno kaya dapat nitong pakisahaman ang mga huwes.

Oki naman yan, PNoy.

Warning shot lang: baka makalimutan ninyo na lahat ng tatlong organo ng gobyerno: Palasyo, Kongreso at Hudikautra ay nilikha ng pinakamakapangyarihang mamamayan, kabilang na ang milyon-milyong OFW. Rey Briones

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply