PNP chief Bacalzo pipitpitin sa jueteng

HINDI pa man umiinit sa upuan bilang hepe ng pambamsang pulisya, nakatakda nang pitpitin ng makapangyarihang Blue Ribbon Committee si Deputy Director General Raul Bacalzo hinggil sa malawakang operasyon ng jueteng.

Inihayag ito kahapon ni Blue Ribbon Chairman Sen. Teofisto “TG” Guingona Jr., matapos ikumpirma  na dadalo sa pagdinig ng komite sa Martes  si dating PNP Chief Jesus Versoza.

Ayon kay Guingona, maraming dapat ipaliwanag si Bacalzo sa rebelasyon ni Sandra Cam, dating star witness sa imbestigasyon ng Senado, na sangkot ang naturang opisyal sa operasyon ng jueteng, kaya’t dapat siyang dumalo.

“He (Bacalzo) is No.4 in the list, He should show up.  He has to answer the allegation. And give us what he knows whatever the issue is and of course yung akusasyon sa kanya,” ayon kay Guingona.

Pahaharapin din ng Senado si Cam upang tumestigo sa operasyon ng jueteng na nabuhay matapos maluklok ang administrasyong Aquino at nabulgar na may dalawang malalapit na opisyal nito ang tumatanggap ng buwanang payola sa mga gambling lord.

Sinabi pa ni Guingona na kumpirmado nang dadalo sa pagdinig sina DILG Undersecretary Rico Puno at ilang matataas na opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at inaasahan din na dadalo sina Archbishop Oscar Cruz at DILG Secretary Jesse Robledo.

Tiniyak naman ni Guingona na hindi magkakaroon ng timbang ang partidong kinasasaniban nilang dalawa ni Robredo, ang Liberal Party (LP) sa gagawing imbestigasyon at kung sino ang tatamaan, dapat tamaan.

“Wala nang partido partido dito.  Wala nang kulay-kulay dito. Tapos na election. Kahit sino ang matamaan.. bahala na. Basta dapat yung batas kailangang ipatupad,” patapos ni Guingona. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply