Political will: Simpleng solusyon sa jueteng–Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

GAANO nga ba kahalaga ang tinatawag na political will?  Posible nga ba itong ipatupad kung nanaisin? Sa larangan ng pulitika, nasyunal man o lokal, tila ito ang masasabi nating pinakamahirap na gawin ng isang opisyal para mapasunod sa tuwid na landas ang kaniyang nasasakupan.  Lalo na kung nalalapit ang eleksyon at kakailanganin ang boto ng mga residente.  Mula sa isyu ng iligal na droga, prostitusyon, basura, iligal na jueteng at iba pang isyu na may kinalaman sa indibiduwal at komunidad na ginagalawan.

Sa unang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa 15th Congress kaugnay sa  isyu ng iligal na jueteng,  kinatigan ni  Sen. Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.  ang paniniwala ni Catholic Bishop Oscar Cruz na may solusyon upang masugpo ang jueteng.  Ito ay ang matibay na disposisyon ng mga lider ng bansa na ipatupad ang batas laban sa illegal gambling.

Ibinunyag ni Cruz na dalawa sa mga gabinete ni Pangulong Noynoy Aquino, sina Interior and Local Government Undersecretary Rico Puno at Ret. Philippine National Police Chief Jesus Verzosa ay nagkakamal ng jueteng money.

“Political will. Tama po ang sinabi ni Bishop Cruz, madali lang sugpuin ang jueteng, basta’t gusto ng  local government executives at pulisya, matitigil ang jueteng,” giit ni Marcos ilang minuto bago magtapos ang naturang pagdinig.

“Marami nang pangyayari na kapag nagmatigas ang mga local officials tulad ng gobernador at mayor kasama ang hepe ng pulisya, nakikita natin na natitigil ang operasyon ng jueteng. Tama rin ang  sinabi ni Sen. Enrile, noong 1970’s idineklara nila na walang jueteng, sa loob ng isang linggo, natigil lahat ang operasyon nito,” diin na pahayag ng bagitong senador mula sa Ilokos Norte.

Binigyang diin pa ni Cruz na tila dismayado na  mapuksa ang jueteng,  mas mahirap na sugpuin o patigilin ang prostitusyon at iligal na droga kesa sa iligal na jueteng.

Tinukoy pa ni Marcos na maging nang siya pa ang gobernador sa Ilocos Norte, pinatigil nila dito ang operasyon ng jueteng at natigil ito bagaman may mangilan-ngilan  na nagtatangka na ituloy ito sa porma ng tinatawag na “guerilla type”.

“Kahit na ako ang gobernador noon sa Ilocos Norte, napatigil namin yan, pero yung matitigas ang ulo, naggi-guerilla type sa pagbola habang sakay ng mga tumatakbong dyipni sa highway. Alam po ninyo, bilyon-bilyong piso ang involve dito, kaya’t tama rin na dapat na bigyan natin ng proteksyon ang mga testigo.

Sa panayam pa kay Marcos matapos ang pagdinig, inulit nito sa mamamahayag na iginiit na nito sa kaniyang opening statement sa naturang pagdinig  na “political will” ang tanging solusyon dito.

“Kapag ginusto ng mga lider at mismo ng pulisya, walang dahilan para hindi matigil ang jueteng. Ito lang talaga ang solusyon, kasi kahit gawin natin itong legal, ganun pa rin naman, hahanap sila ng paraan kung paano tatabo ng limpak-limpak na salapi gamit ang pandaraya gamit ang panibagong iimbentuhing number games,” pagwawakas pa ni Marcos na kapansin-pansin ang pagiging masipag, pinakamaaga sa mga pagdinig ng kaniyang komite at laging present sa attendance.

Tahasan ding sinabi ni Cruz na nagkakaroon din ng money laundering sa mga opisyal ng pamahalaan maging sa lokal kapag nanonood ng boxing sa abroad dala ang jueteng money.

“Bakit kailangan pa nilang doon manood eh…pwede namang dito na lamang sa atin.”

Dahil dito, sinabi ni Enrile na, “In order to focus this investigation, first I’d like to request the committees to bring here the head of the money laundering office   because I can’t believe that an operation like this and with the amount of money being discussed, that the money would not enter into the banking system and if it does enter banking system,  the money laundering office under the Central Bank ought to know what’s going on and we must attend that aspect of this problem.”

“I also want the BIR to come here because if jueteng has been operating in this country and I think it did , it has been operating in this country, with the magnitude of the amounts involved I’m going to ask them why until now there is no indication that they have not gone after the jueteng operator,” diin ni Enrile.

Miriam kay Puno: Why only now?

Kinuwestyon ni Sen. Miriam Defensor Santiago, ang motibo ni DILG Undersecretary Rico Puno sa pagiging bantulot nito na ihayag ang mga impormasyon kaugnay sa umano’y pagtatangka ng  jueteng fixers na suhulan siya at napilitang magsalita nang dumugin na ng media.

“If it is true that he has been approached by jueteng fixers, why did he not kick and scream immediately? Those fixers who allegedly contacted him are guilty of the crime of corruption of public officials,” ani Santiago.

Iginiit pa ng lady senator na kung tama si Puno sa bersyon nito na, dapat na kasuhan ng attempted bribery ang nasabing jueteng fixers.

“There is an attempted bribery when the other person starts the bribery directly by overt acts or statements, and does not perform the outright bribery because of some cause or accident other than his own spontaneous desistance,” wika ni Santiago alinsunod sa Penal Code.

Aniya, ang pahayag ni Puno’s kaugnay sa umano’y fixers ay tuwirang pag-amin na may “illegal interest” sa jueteng.

“One factual issue is whether Puno listened in silence to the propositions of fixers.  If so, his conduct is remiss, because he should have alerted the national police on the identities and addresses of the fixers so that they could be arrested before they could resume jueteng in their localities,” anang senadora kasabay ang pagsasabing “improper and questionable” ito.

“The basic factual issue is whether he merely listened in silence, or whether he accepted the proposals, and edited the facts so as to escape personal criminal liability,” diin pa nito.

Inihayag pa ni Santiago na siya mismo ay tinangkang suhulan ng ilang fixers sa mga unang taon nito bilang mambabatas at ibinunyag nito sa plenaryo ang tangkang panunuhol ng ‘kickbacks’ ng ilang fixers sa bawat public works project sa ilalaim ng kaniyang pork barrel funds.

Agad naman aniaya itong kinumpirma ni Sen. Juan Flavier, na unang nakatanggap ng nasabing panunuhol nang maihalal bilang senador.

“I support Msgr. Cruz in his crusade.  If his word were to be taken against the word of Puno, I will accept Msgr. Cruz anytime.  He was a respected professor at the Maryhill School of Theology when I took my masters there,”  dagdag pa ni Santiago.  Linda Bohol

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply