Pops Fernandez laos na?

ANO BA TALAGA ang tunay na rason at matagal na nating hindi napapanood sa mga mainstream TV show tulad ng ASAP XV ang “Concert Queen” na si Pops Fernandez? Before naman ay talagang ratsada ang singing career ni Pops at ang mga concert nito ay napapanood natin sa big venues. Ang Dos ba ang umaayaw ng kunin ang serbisyo ni Pops o sariling desisyon na mismo ng nasabing singer-actress na huwag na muna siyang tumanggap ng mga karaketan.

Pero, ano itong kuwentong nakarating sa inyong dear columnist na tumatanggap naman daw ng offer si Pipay(palayaw ni Pops) kaya lang, ang sad story ay sa maliliit na venue na lang ang offer sa kanya ng mga show promoter. Parang hindi naman raw bagay na ilagay ang Concert Queen sa mga venue katulad ng comedy bar na pinagtanghalan nito recently lang.

Well, may mga naririnig kaming okey lang naman daw ito kay Pops lalo pa’t bagsak naman talaga ang popularity nito ngayon. Saka, true ba na may mayamang DOM raw ang ex na ito ni Martin Nievera kaya afford nitong magpakabongga ng kanyang lifestyle kahit no work? Just asking!

KING OF TALK” BOY ABUNDA, MAY TATLONG IMPERSONATOR

Malaman mong super mega sikat na talaga ang isang celebrity kapag may mga nanggagaya na sa kanya like our Superstar Ms. Nora Aunor na sandamakmak ang mga nag-iimpersonate rito like Ate Gay, Ate Glow, Lady Guy Nura(Allan K) etc. Aba! May katapat na ang controversial singer-actress (Nora) sa katauhan ng ating “King Of Talk” na si Kuya Boy Abunda. Yes, nationwide na ang mga panggagaya kay Kuya Boy. Dito pa lang sa showbiz ay tatlo na bale ang mga gumagaya sa sikat at matulunging TV host.

Sila ay sina Jayson Gainza na napapanood ang act sa Banana Split, Jon Santos at’yung gay stand-up comedian sa isang sikat na comedy bar na nagi-impersonate rin sa idolong si Kuya Boy. Hindi lang kami sure kung ginagawa rin ba ni Willie Nepomuceno ang pamosong TV host/talent manager.

Basta for us, ang pinakamagaling sa lahat at bilib kami sa pagkopya niya kay Kuya Boy ay itong mahigit dalawang dekada na sa showbiz na gay performer na si Jon Santos na naging guest ni Kuya Boy sa kanyang talkshow na “The Bottomline.”

Kuhang-kuha ni John hindi lang ‘yung way ng pagsasalita ng English ni Kuya Boy na very fluent kundi pati na rin movement ng respetado at mahusay na host ng The Buzz, SNN at The Bottomline. At sa tanong kung okey kay Kuya Boy ang gayahin siya ng ibang personalidad. Isang malaking Oo ang sagot ng nasabing King Of Talk at flattered siya at may mga nag-iimpersonate sa katauhan niya bilang beteranong host ng tatlong shows sa Kapamilya network.

*********
Patuloy ang Isang Libo’t Isang Tuwa na hatid ng favorite nating Eat Bulaga sa paghahatid nila ng mga tulong araw-araw sa marami nating mga kababayan sa pamamagitan ng pagsi-share nila ng iba’t-ibang blessings tulad ng sangkatutak na cash at iba pang mga exciting prizes sa mga pakulo nila tulad ng “Juan For All, All For Juan” Sugod-Bahay sa Barangay kung saan umaabot sa almost 200,000 ang naipamimigay ng mga Dabarkads nating sina Bossing Vic Sotto, Wally Bayola at Jose

Manalo kasama ng Sugod-Bahay Team.

Ganun din ang text at panalo at winner rin ang masuwerteng studio audience  sa “Bulagaan Picture-Picture! At madalas ay naiuuwi rin ng maraming bilang ng live studio audience ang mga jackpot prizes na daan-daang libong piso sa “Sa Pula Sa Puti” kontrapelo ganoon na rin sa binansagang Laro ng Bayan na super  sikat na “Pinoy Henyo.” Walang Lusot/Peter S. Ledesma

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply