Pork barrel ang talap-talap, ang iba tsinatsaptsap

ANONG klaseng nilalang ang mga nasa Kongreso at ganun na lang ang pagbuhos ng grasya sa kanila?

Napakasuwerti talaga itong mga onorabol sa Kamara at Senado.

Akalain ba nating wala ni sinoman sa kanila ang nagiging luhaan sa panukalang badyet para sa 2011.

Buo ang kanilang pork barrel: P70 milyon para sa kongresman at P200M para sa senador.

Ito’y ober en abab sa kanilang mga sahod, alawans at iba pang benepisyo.

Magpapatuloy ang pagtatampisaw nila sa bumabahang grasya mula kay PNoy.

Ang talap-talap naman ng buhay ng mga onorabol na ito.

oOo

Sa kabilang banda, Suki, panay ang luha sa kalungkutan ng mga, senior citizen, migrante at huwes dahil pinagtsatsaptsap ni P-Noy ang kanilang mga badyet.

Sabi ni onorabol Dinky Soliman sa social welfare, ang mga purdoy na 80 anyos pataas na lang ang bibigyan ng gobyerno ng P500 na buwanang alalay.

Hindi lahat ng mga pur na senior citizen at lalong hindi lahat sila, pur man o hindi.

Meron kayang kwalipayd diyan, huh?

Paano bibigyan nina Ms. Dinky sina lolo at lola sa sementeryo?
Wala yatang nakaabot sa edad na 80 anyos na lolo at lolang purdoy.

Ang mga migrante naman ay halos alisan ng pondo sa kanilang mga problema sa trabaho sa abrod sa paglalagay lang ni Pinoy ng P25M mula sa P50M ngayong taon at mula sa sinasabi ng batas na P100M kada taon.

Eh mahigit 7,000, Suki, ang nakabilanggo sa kanila habang daan-daan ang nakasalang sa bitayan.

Paano ang panggastos sa mga abogado, piyansa at iba pang serbisyo sa kanila?

Tila walang silbi ang $17 bilyong kontribusyon nila sa ekonomiya ni P-Noy!

At oo, itong mga huwes din pala ay kumakalam din ang sikmura at marami ang mga hukumang iskwater.

Magtanong kayo sa mga huwes na humahawak ng sangkaterbang korte sa iba’t ibang munisipyo at malalaman ninyong nauubos lang sa gasolina at pamasahe ang sinasahod nila.

oOo

Ano kaya ang mangyayari sa pagmamantika ng nguso ng iilan habang kalam sa sikmura at kagipitan ang ikinabubuhay ng nakararami?

Naiintindihan natin, Suki, ang kalagayan ng pamahalaan.

Iniwan nina Gloripie ang gobyerno na halos said ang kaban.

At magandang humihingi ito ng pag-unawa sa pamamagitan ni Ms. Dinky na nagsasabing  isasagawa naman nila ang pagbibigay ng P500.

Pero para lang talaga sa mga pur na 80 anyos pataas.

At kung gaganda raw ang ekonomiya sa 2011, susubukin nila ang magbigay sa nasa isang milyong matatanda.

Nakupo, andito na naman ang pangako na hindi lang mapapako kundi liliko palayo sa mga tinitirikan ng kandila na mga lolo at lola.

Minamalas yata tayo a! Rey Briones

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply