Posas sa media, FOI at trahedya sa Luneta

IIMBESTIGAHAN ng Senado ang tatlong pribadong kompanya ng telebisyon at isang istasyon ng radyo kaugnay ng trahedya sa Luneta.

Ano-ano ba ang gustong makamit ng Senado o ng pamahalaan dito?
Hindi pa malinaw.

Pero andiyan ang posible umanong pagsilip sa mga prangkisa ng mga ito.

And speaking of franchise, itinuturing lang itong isang pribilehiyo ng pamahalaan na pupuwedeng bawiin o doktorin anytime.

Kaiba ito sa natural right gaya ng karapatang mabuhay na hindi basta pupuwedeng kitlin ng kahit sino, ke isang S/Insp. Rolly Mendoza o maging ang estado.

Sisilipin umano ng pamahalaan ang prangkisa kung may nilalabag ang mayroon nito na batas o kaya’y patakaran sa prangkisa.

Ang pagkakaalam ng ULTIMATUM, walang malinaw na patakaran o batas para sa pagcensor ng media. Kaya nga pinaiiral ang self regulation. Sang-ayon na rin ito sa sinasabi ng 1987 Constitution na “No law shall be passed abridging the freedom of speech, of expression and of the press…” (Article 3, Section 4).

Dahil bukas naman ang Senado sa lahat ng mediamen na dumalo sa imbestigasyon, join na tayo roon.

Bakit kinakailangang subaybayan ang imbestigasyon at posibleng paggawa ng batas o pagsilip sa prangkisa ng mga telebisyon at radyo?

Dahil kung ano man ang gagawin ng estado na pagkontrol sa telebisyon at radyo, tiyak na magiging apektado ang lahat ng ibang anyo ng media: diyaryot, internet, wires at iba pa.

oOo

Isinasabit din, mga Bro, ang panukalang Freedom of Information sa problema. Sabi ng mga taga-Senado, maaaring maapektuhan ang laman ng panukala ukol sa “transparency.”

Nangangahulugan na sa oras ng krisis, posibleng ipagbabawal ang pag-eere o pagbabalita nito sa radyo at telebisyon, maging sa mga diyaryo, internet at wires?
Napakaganda talagang dumalo sa imbestigasyon.

Kaya lang, ano-ano ang dahilan at lagi na lang nalalagyan ng kalso ang pag-abante ng freedom of information bill?

Mukhang gusto ng mga awtoridad ang mabilisan na pagkontrol sa media sa anomang dahilan pero mabagal pa sa pagong ang pagkilos ng mga ito upang ibigay sa media at mamamayan ang karapatan na sumilip anomang oras at araw sa kanilang mga transaksyon.

oOo

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply