Powerade Duathlon Final Leg

PORMADO na ang Final Leg ng Powerade Philippine Duathlon sa Clark Economic Zone sa Oktubre  31.

Tatanggap ng cash prizes at medalya ang papasok sa Top 3 Overall, babae at lalaki, ng tampok na 10-kilometrong takbuhan, 40-kilometrong padyakan at tatapusin ng  limang kilometrong distansiyang takbuhang gamit ang AMB Timing System.

Masasabitan naman ng pasadyang medalya  ang unang tatlong tatawid ng meta sa mga Age Group Category (Male – 16-19 yrs. old, 20-24, 25-29, 30-34, 35-39, 40-44, 45-49 & 50 above at Female – 16-19, 20-29, 30-39 & 40 above).

Bukod dito, tatanggap ng Finisher’s Medal ang lahat ng makakatapos sa nasabing kaganapang isinaayos ng Triathlon Association of the Philippines sa pakikipagtulungan sa Powerade Sports Drink, bukod sa event t-shirts, race pack, timing chip at produkto ng mga tagapagtaguyod..

Ang lahat ng makakapagpatala hanggang Oktubre 13 ay kinakailangang magbayad lamang ng halagang P1,000 at P1,500 naman para sa lalagpas deadline.

Sa iba pang kaalaman, tawagan ang mga sumusunod na teleponong may bilang na 710-8259 at +63915-6430822 o mag-email sa info@triathlon.org.ph o bisitahin ang website na w.w.w.triathlon.org.ph. Ed Paez

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply