Pre-Halloween Run sa McKinley

DADAGUNDONG ang pang-gabing patakbo sa Oktubre 30 sa McKinley Hill, Taguig City.

Pinangalanang  Adobo Run After Dark 2010, ang 3-in-1 footrace ay tatampukan ng 10-kilometrong lakbayin, na may kasamang side-event na tatlo at limang kilometrong distansiya.

Sinabi ni race director Ian Alacar na ang lahat ng makakatapos ay bibigyan ng loot bag, arm baller, race bib at iba pa, samantalang pararangalan ang Top 3 overall finishers, lalaki at babae, sa mga distansiyang nabanggit.

Makakasama sa mga kikilalanin dito ay ang mga mananakbong may Biggest Contingent, Best In Costume (individual & group), samantalang may mga bandang magpapasaya sa gabing ito.

Ang kaganapan  ay inorganisa ng Adobo Magazine at hahawakan ng Without Limits, Inc.,  kasama bilang tagapagtaguyod ang   The Venice Piazza, Milo, Gatorade, Bates 141 at R.O.X..

Ang kikitain sa naturang patakbo ay mapupunta sa Formula Juan, isang proyektong para sa pagpaparami ng LPG-run na pampasaherong  jeepney sa Kamaynilaan.

Tingnan  ang website na http://www.adobomagazine.com, mag-email sa regteam.withoutlimits@gmail.com at tawagan si Kyle sa  mobile phone na may bilang na 0916-2437390 para sa iba  pang kaalaman nang makasali sa naturang patakbo. Ed Paez

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply