Presyo ng langis muling tumaas

Muli na namang tumaas ang presyo ng ilang produktong petrolyo kahapon ng madaling araw.

Nagpatupad ng P0.50 dagdag sa presyo ng kada litro ng gasolina, diesel at kerosene ang Pilipinas Shell at Eastern Petroleum dakong alas-12:01 ng madaling araw.

Dakong alas-6 ng umaga naman nang sumunod na nagpatupad ng kaparehong oil price increase ang Chevron, Seaoil at Petron.

Nagdagdag din ang Petron ng P1 sa kada kilo ng kanilang liquified petroleum gas o katumbas ng P11 sa kada 11-kilogram na tangke.

Ang oil price increase ay bunsod pa rin ng pagtaas ng presyo nito sa pandaigdigang pamilihan.

Matatandaan na nagbaba ng P1 kada litro ang mga kompanya ng langis noong Agosto 17 at sinundan noong Agosto 24 ng P.75 kada litrong rollback. Jhie Convocar/Benedict Abaygar, Jr/Rene Crisostomo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply