Public hearing sa pagtaas ng pasahe sa MRT/LRT tiniyak ng DOTC

TINIYAK kahapon ni Transportation and Communications Secretary Jose de Jesus na idaraan sa public hearing ang planong pagtataas ng pasahe sa Metro Rail Transit  at Light Rail Transit.

Ayon kay De Jesus, wala pang katiyakan ang petsa ng fare increase subalit posibleng matalakay ito sa pulong ng board ngayong Setyembre para maipatupad sa Oktubre o Nobyembre.

Binanggit ni De Jesus na pinag-aaralan din nila ang single pricing system o pareho lang ang ipatutupad na halaga ng pagtaas ng pasahe sa MRT at LRT.

Nauna rito, mariing kinondena ng grupong RILES Network ang napipintong pagtaas ng pasahe sa MRT at LRT bunsod ng umano’y panibagong pahirap na naman ito sa mga commuter. Benedict Abaygar, Jr.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply