Publiko binalaan sa paggamit ng insecticides

PUBLIKO BINALAAN SA  PAGGAMIT NG INSECTISIDES NA PANLABAN  SA DENGUE

BINALAAN ng Department of Health  ang publiko hinggil sa regular o labis na paggamit ng insecticides at insect repellent lotions para makaiwas sa lamok at dengue.

Ayon kay DOH chief epidemiologist Dr. Eric Tayag, ang labis o regular na paggamit ng insecticides at insect repellent lotions ay posibleng makasama sa kalusugan o maging sanhi ng skin allergies at respiratory problems.

Sinabi ni Tayag na mara-ming tao ngayon ang nagre-rely na lamang sa paggamit ng insect repellent lotions para hindi makagat ng mga lamok, na  nagdadala ng sakit, ngunit lingid sa kaalaman ng mga ito na maaaring maging sanhi ng panibagong problema tulad ng sakit sa balat at paghinga, ang paggamit ng mga naturang produkto.

Kaugnay nito, pinayuhan ni Tayag ang publiko na bago gumamit ng insecticide at insect repellent lotions ay kumonsulta muna sa doktor.

Samantala, nilinaw ni Ta-yag, director ng DOH-Natio-nal Epidemiology Center, na hindi na kinakailangan pang isailalim sa state of calamity ang bansa kahit pa patuloy sa pagtaas ang mga kaso ng dengue.

Sinabi ni  Tayag na  nana-natiling “controllable” ang sitwasyon ng dengue kaya’t hindi na kailangan pang mag-deklara ng state of calamity ang pamahalaan dahil sa sakit.

Maliban sa Quezon City, wala naman umanong iba pang lugar ang iniuulat na may dengue outbreak.

Inaasahan na rin aniyang mananatiling mas mababa sa isang porsiyento ang dengue death rate, dahil na rin sa inaasahang pagbaba ng mga kaso ng sakit sa mga susu-nod na araw.

Bagamat mayroong apat na dengue strain sa bansa, ay wala rin dapat na ikabahala dahil curable naman o madaling magamot ang mga ito.

Sa pinakahuling update ng DOH, nabatid na mula Enero hanggang Agosto 28, 2010 ay umaabot na sa 69,594 ang naitala nilang kaso ng dengue sa bansa.

Ito ay mas mataas ng 99% kumpara sa 34,997 kaso ng sakit na naitala sa kahalintulad na petsa noong 2009.
Mas marami ring naitalang nasawi ngayong taon na uma-bot na sa 501, kumpara sa bilang na 369 noong nakaraang taon. Kyle Gatus

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply