Puno di lusot sa payola kahit magbitiw

HINDI  nagtatapos sa pagbibitiw ni Undersecretary Rico Puno ang kanyang panananagutan sa sinasabing pagtanggap ng jueteng payola kahit kinatigan ng ilang senador ang hakbang nito sa harap ng lumalalang kontrobersiya sa kanyang tungkulin.

Ayon kay Sen. Alan Peter Cayetano, dapat pa rin tapusin ang mga isyung kinasasangkutan ni Puno upang malaman ng taumbayan ang buong katotohanan sa paratang na jueteng payola.

“Hindi dapat matatapos ang kontrobersiyal sa kanyang pagbibitiw kaya’t nararapat na tapusin ang kinasasangkutan niyang kontrobersiyal upang mailantad natin sa taumbayan ang buong katotohanan,” ayon kay Cayetano.

Nagtataka din si Cayetano kung bakit  tila si Pangulong Aquino  pa ang dumidepensa sa mga kontrobersiyang kinakaharap ng opisyal nito kahit hindi niya (P-Noy) tungkulin ang ganitong pagtatanggol.

“In fairness to President Aquino, jueteng has been there for so long- it’s an opportunity for the new government to make a tough stand against jueteng. Parang wangwang lang, sinimula nji Noy, sumunod lahat. So, lahat dapat mula sa pulisya. LGU., etc., na mapanatunayan na sangkot, suspendihin para matigal ang jueteng,” ayon kay Cayetano.

Nilinaw naman ni Cayetano na hindi ibig sabihin na kung magbitiw sa puwesto si Puno, hindi naman ibig sabihin na guilty siya sa mga akusasyon.

Nabatid na hindi pa umabot ng 100 araw ang Aquino administration malalaking isyu na ang kinasasangkutan ni Puno kabilang ang madugong hostage crisis na  pinakakasuhan siya batay sa rekomendasyon ng Incident Investigation and Review Committee (IIRC) at sa jueting isyu na pinangalanan din ni dating Archbishop Oscar Cruz na tumatanggap ng buwanang jueteng payola kabilang si dating PNP chief Jesus Verzosa. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply