Pweee!

NASABI natin kamakailan na tumigil ang iligal na pasugal sa Cainta Rizal pero mali pala. Tuloy pa rin ang jueteng operation sa nasabing bayan sa kabila na mainit ang isyu nito sa Senate hearing sa kasalukuyan.

Ganyan pala talaga katigas ang ulo nitong bayaw ni Cainta Mayor Mon Ilagan na si Buboy S.

Mismong ang inyong lingkod ang nakasaksi sa pagpapatayo ng kubrador ng jueteng ni Tavio, ang operator sa Cainta.

Natural, imposibleng walang blessing ito ng alkalde dahil hindi naman kikilos ang operation kung wala ngang basbas si yorme.

Huwag niyang sabihin na sinusuwag siya ng kanyang bayaw at kumikilos nang walang pahintulot.
Ganyan ba kakapal ang mukha ni Buboy S., ng Bgy. San Isidro?

Maging ang hepe ng pulisya sa Cainta ay sadya nga yatang inutil, o baka naman idahilan na mahina ang kanilang intelligence upang hindi malaman ang ganitong iligal na operation.

Sa kasakuyan ay namamayagpag ang mga kubrador sa aming bayan at mismong diyan sa istasyon ng pulisya ay nagpapataya ang mga ito.

Dapat lang na igisa sa Senado ang hepe ng pulisya at alkalde ng Cainta dahil sa mga pinaggagawa ng kanyang bayaw.

Ganyan ba ang dapat na ipuwesto para manunungkulan sa ating bayan? Lalo pa nga’t tatakbo kuno itong si Buboy S., bilang barangay tserman sa Bgy. San Isidro.

Iisa lang ang ating magiging tugon sa bagay na iyan, isang malaki at malakas na…PWE!

PUNA NG MGA MAMBABASA:

1)Boss, Arnold. Pakikalampag naman po si Taytay Mayor Gacula tungkol sa napakasamang daan sa Erap City, lalo na po sa proposed office ng DPWH. Marami pong salamat!-CP#09166455—.

2) Good evening po. Puwede po bang iparating  kay PDEA Secretary Dionisio Santiago na siyasatin nila ang bodega ng Tascor ditto sa Anabu, 1-C Imus, Cavite. Ang negosyo po nito ay magbenta ng mga sasakyan na surplus at may puwesto sila sa Subic. Dito po sa Anabu, sa kanilang bodega ay may kemikal na ginagamit sa paggawa ng shabu. Kaya siguro po malakas ang loob ng may ari nito ay dahil sa padrino raw nila si Congressman Ayong Maliksi. Ang balita ko ay nireregaluhan ng kotse itong si kongresman Ayong. Ang may ari po ng bodega nito ay ang Sarayot  family. Sana po iparating ninyo kay  PDEA Dioniso Santiago. Marami na po akong nai-text sa police headquarters sa Camp Pabtalion. Siguro ay takot sila o may patong sa may-ari ng Tascor. Dito rin po sa Anabu ay maraming laboratory sa tabing ilog. Siguro po, diyan sa Tascor sila kumukuha ng kemikal?-CP#09997478—.

3) Kung talagang nahihiya kay Pangulong Noynoy Aquino, dapat ay kusang loob na magbitiw sa kanyang tungkulin si Usec Puno. Panay ang sabi niya na kay P-noy daw desisyon sa pagbibitiw niya at nahihiya daw siya. -CP#09066009—.

4) Diyan pos a Bgy. Bagbagin, Sta. Maria, Bulagan ay namamayagpag ang pasugalan sa peryahan nitong si Larry Baho. –CP#09102400—.

Kung sino  man ang nakakakita ng hindi maganda o anomalya sa inyong paligid ay maaari kayong mag-text sa CP#09213813053 o mag-email sa arnold1127861@yahoo.com. Arnold Pajaron

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply