Quarry operator, tiyuhin itinumba

CAMP OLIVAS, Pampanga-Tinambangan ng riding in tandem ang negosyanteng quarry operator at idina-may pa ang tiyuhin nito kamakalawa ng tanghali sa Mc-Arthur Highway, sakop ng Brgy. Mabiga, bayan ng Mabalacat.

Nabatid sa ulat ni P/ Supt. Rolly Mendoza, hepe ng Ma-balacat police sa tanggapan ni P/Chief Inspector Karen Clark, tagapagsalita ni Chief Supt. Alan La Madrid Purisi-ma, Central Luzon police director, binabagtas ng biktimang sina Leonardo “Boy Dagul” Licup, quarry operator ng Green Meadows Subdivision at Dolly Licup ng Po-rac, Pampanga, sakay ng kotse ang national highway.

Pagsapit nila sa tapat ng Golden Land Subdivision ay sumulpot ang dalawang ar-mado ng kalibre .45 na mag-kaangkas sa motorsiklo at pi-nagbabaril ang magtiyo.

Ayon sa Scene of the Crime Operatives (SOCO), anim na basyo ng bala ang kanilang narekober sa tabi ng sasakyan ng mga biktima. Dalawang bala ang naglagos sa bintana na tumama sa nagmamanehong si Leonardo na tumagos naman sa ka-tabi nitong tiyuhin.

Nang matiyak na napuru-han ang kanilang target ay humarurot ang motorsiklo at muling nagpaputok ang mga suspek habang palayo.

Ang dalawang hindi pa nakilalang salarin ay tinata-yang edad 20 hanggang 30, 5’4 ang taas at ang isa ay 20 hanggang 25 anyos, na may taas namang 5’5. Buddy Arevalo

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply