Rachman tibag kay Cuello

DINUROG ni Pinoy champ Denver “The Excitement” Cuello ng Aljoe Jaro Stable si dating IBF minimumweight champ Muhammad Rachman ng Indonesia.

Si Cuello ang naggawad kay Rachman ng kauna-unahang TKO nang umiskor ng ninth round ng TKO win sa kanilang WBC international minimumweight title fight sa Iligan City nitong Sabado ng gabi.

Ang 38 taong gulang na si Rachman (62W-9L-5D, 31 KO’s) ay hindi pa na-knock out sa 75 fights nito.

Matatandaan na nakasampung rounds siya sa isa pang rising prospect na si Milan Melindo noong isang taon sa Cebu City.

Kumpara kay Cuello, mas matindi ang kartada ni Rachman sa 23-anyos pa lamang na si Cuello.

Ang southpaw na si Cuello, taglay na ngayon ang pangalawang Denver Singwangcha, ay nagpakitang gilas sa laban.

Sa unang sigwada pa lamang ng laban ay nagpakawala na ito ng matitinding suntok.

Ito ang dahilan kaya panay depensa na lamang ang ginawa ng kalaban.

Ang Pinoy ay pinaupo si Rachman sa fifth round.

At sa mga sumunod na laban ay naging one sided na ang laban dahil hindi na halos sumusuntok ang Indonesian.

Sa ninth, si Rachman ay niratrat na nang todo ng Pinoy champ dahilan upang awatin ni referee Bruce McTavish ang sagupaan sa oras na 1:03.

Si Cuello na may kartadang 22-4-5, 13 KOs ay tubong Iloilo at nadepensahan niya ang kanyang hawak na WBC international belt.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply