Rape ibinuking nang malasing si neneng

LUMIPAS ang apat na taon bago nabuking ang panghahalay umano ng kapitbahay na OFW sa 16 anyos na dalagita sa Tondo, Manila.

Inireklamo ang suspek na si Alexander Yap, 33, may asawa, pintor at residente ng 1301-F Torres Bugallon St., Tondo ng biktima na itinago sa pangalang “Janinay,” isang high School student.

Nabatid sa ulat na nakara-ting sa tanggapan ni  C/Insp. Anita Araullo, hepe ng MPD-Women and Children Concern Division (WCCD), nagsi-mula ang panggagahasa ng suspek noong Hunyo, 2005 habang ang biktima ay edad 12 pa lamang.

Ayon kay Janinay, minolestiya siya noon ng suspek sa harap mismo ng 2 taon gulang na pamangkin nito.

“Wag daw akong magkakamaling magsumbong sa magulang ko at sabi niya na papatayin daw niya ang mga kapatid ko at nanay ko kasama din ang stepfather ko,” kuwento ng biktima.

Nahinto umano ang pang-momolestiya nang magtrabaho sa abroad ang suspek ngunit nang bumalik ito sa bansa ay muli rin siyang hinalay.

Bukod dito, ibinenta rin umano siya ng suspek sa hindi niya nakilalang lalaki matapos siyang painumin ng pampatulog.

Nabisto ang kahalayan umano ng kapitbahay nang sitahin ng ina si Janinay dahil sa paglalasing at paninigarilyo nito. Ikinatwiran ng dalagita na sira na ang kanyang buhay dahil sa panghahalay ng suspek. Dahil dito, kasama ang ina ay nagreklamo ang mga ito sa pulisya.  Rene Crisostomo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply