Rebyu sa IIRC report di imbento– Ochoa

HANDA ang legal team ng Malacanang na pangatawan kay Pangulong Aquino ang resulta ng pagrerebyu sa resulta ng  IIRC ( Incident Investigation and Review Committee) report dahil hindi naman ito inimbento bagkus ito ay makatotohanang senaryo lamang.

Pinamunuan nina  Executive Secretary Pacquito Ochoa Jr. at chief Presidential Legal Counsel Eduardo de Mesa ang legal team na nagrebyu sa IIRC report na inihanda sa pangunguna ni DOJ secretary Leila de Lima.

Sinabi ni  Ochoa na handa silang sagutin ang anumang kuwestiyon na ibabato sa kanila ni Pangulong Aquino ukol sa resulta ng kanilang naging pag-aaral sa naging rekumendasyon ng IIRC team.

Sa ngayon ay wala pang nakatakdang araw para sa isang pag-uusap nina Ochoa at ng Chief Executive sa usaping ito.

“We are prepared for whatever question the President might ask,” tugon ni Ochoa.

Sa kabilang dako, kasalukuyan ng  pinag-aaralan ni Pangulong Aquino ang ginawang legal na pagrebisa ng grupo ni Ochoa sa IIRC report

“Studying the report and the reviews now,” ang tugon ng Punong Ehekutibo sa pamamagitan ng isang text message.

Sa ulat, makaraan ang 6-day official trip ni Pangulong Aquino sa US ay kasabay ng pagtatapos sa pagrepaso sa mga rekomendasyon ng Incident Investigation and Review Committee (IIRC) na ipinag-utos ni Pangulong  Aquino sa grupo ng mga abogado ng Malakanyang.

“As far as we are concerned, we’re done but we have yet to present the report to the President and depending on the reaction of the President, we will have a discussion,” ani Ochoa

Tanging si Pangulong Aquino lamang ang makapaghahayag ng mga nilalaman ng ulat na inihanda ng mga abogado ng Palasyo, ayon sa Executive Secretary na nagsabi rin ng “Let’s not discuss the details because we might preempt the President.” Kris Jose

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply