Recom nagsisinungaling tungkol sa jueteng issue

“WALANG katotohanan!”

Sabi ni Caloocan Mayor Recom Echiverri nang kapanayamin siya sa isang TV station ukol sa pagkakaroon umano ng jueteng sa kaharian nito.

Puro panloloko lang ang sinasabi ni Recom dahil sa lihis sa katotohanan, sabi naman ng ating texter.

Heto ang text message ng isang concerned citizen.

Gudday, Sir Johnny.  walang katotohanan ang sinabi ni Caloocan Mayor Recom Echiverri. Mula nang maupo siya bilang alkalde ng Caloocan ay wala raw illegal jueteng sa kanyang nasasakupan.

Sa totoo lang talamak ang operation ng jueteng  ni Tony Francisco sa North Caloocan hanggang sa ngayon. Dito na lang sa lugar namin, Phase 7B Bagong Silang, lantaran ang pagpapataya ng jueteng. Isang Mr. Kabigting ang kabo ng jueteng. Ilang kubrador dito ay kapitbahay ko lang.

Ang lugar na pinagdadalhan ng mga inire-remit na pera ng mga kubrador ay mismo sa bahay ni Kabigting ngunit bakit hindi ito napapansin ng mga pulis na nakatalaga sa PCP 9 Phase 7B.
Eh malapit lang ito sa nasabing presinto. Kung walang alam ang alkalde namin sa mga illegal na jueteng, eh, mas maganda si-guro lumabas siya ng kan-yang opisina upang malaman niya ang katotohanan na talamak ang jueteng sa kan-yang nasasakupan bago siya magsalita  na walang jueteng sa Caloocan. Bilang miyem-bro ng anti-crime organization ay aking pinabubulaanan ang sinabi ni Recom sa isang TV station na walang jueteng sa amin.

SUGALAN DI MATINAG NG PULIS

Kahit mahigpit ang  kam-panya laban sa iligal na pa-sugalan ay patuloy ang peryahan ni Mely sa Rest Area, Los Baños, Laguna. Palibhasa malakas si Mely sa alkalde at sa kapulisan ng Laguna.

Malaki siguro ang timbre.

Anomang reklamo o pu-na, itext lang sa 0918927-4764, 09266719269 o email juandesabog@yahoo. com. Johnny Magalona

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply