Red Lions stake clean slate

SELYADO sa Final Four ang San Beda subalit kailangan pa rin nilang manalo kontra Arellano U ngayong hapon upang mapalapit sa hangad na elimination sweep sa nagaganap na 86th NCAA basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Tinarak ng Lions ang 12-game streak nang tibagin nila ang Mapua Cardinals, 90-78 noong Septyembre 8 kaya naman nais ipagpatuloy ng una ang winning streak sa pakikipagsagupa sa Letran sa alas-4 ng hapon.

Kapag naka sweep, didiretso ang San Beda dribblers sa finals at maghihintay sila ng kanilang makakalaban na dadaan sa stepladder semis.

Subalit para kay San Beda coach Frankie Lim hindi ang sweep ang nasa isip niya ngayon.

“We’re not even imagining it. Our goal is to win as many games as we can and get enough momentum going into the playoffs,” wika ni Lim.

Samantala, inaasahang mahihirapan kunin ng Lions ang 13th win dahil makakaharap nila ang team na magpapakamatay para makuha ang panalo at manatili sa hangad na final four.

May 5-8 win-loss karta ang Chiefs, isa sa tatlong teams na may tsansang makapasok sa final four kung maipapanalo nila ang tatlong natitirang laban at matalo ang San Sebastian sa kanilang huling tatlong laro.

“I’m now investing for the future, we’ll just try to be competitive and if we could pull off an upset, why not,” saad ni Arellano U coach Leo Isaac.

Sa ibang laro, maghaharap sa 2 ng hapon ang parehong tanggal sa final four na Perpetual Help at St. Benilde, 0-13 at 4-10 records ayon sa pagkakasunod. ELECH DAWA

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply