Regional Peace Council Meeting isinagawa

NAGSAGAWA nang pagpupulong si Department of Interior and Local Government, Sec. Jessie Robredo kabilang ang Pambansang Kapulisan upang mapanatili ang kapayapaan hinggil sa darating na Barangay at SK Election sa Oktubre 25, 2010.

Ayon kay Robredo, kanyang inatasan si PNP Chief Police Director General Raul Bacalzo upang bigyan ng instruction ang buong hanay ng kapulisan sa bansa, partikular sa buong Metro Manila ang sentro ng election kung saan posibleng magkaroon ng kaguluhan pagsapit ng mismong halalan.

Sinabi naman ni Bacalzo, na kanilang gagawin ang lahat upang mabawasan ang iba’t ibang karahasan maging sa mga karatig probinsiya.

Binanggit pa ng kalihim kasama ang ilang mga opisyal ng barangay, pulisya at mga opisyal ng Commision On Election ang pakikipag-ugnayan sa mga ito upang mapanatili ang kapayapaan.

Kaugnay nito, magpapakalat ang NCRPO nang mahigit sa 10,000 pulis sa iba’t ibang lugar sa buong Metro Manila at patuloy nilang gagamitin ang mga CCTV camera sa mga paaralan.

Nabatid pa kay NCRPO Chief Leocadio Santiago, Jr., simula nang ipinatutupad ang gun ban ay bumaba ang kriminalidad at binigyan ng mandatory requirement ang bawat miyembro sa PNP na dumaan sa muling pagsasanay hinggil sa crisis management seminar,  isang beses sa isang buwan. Gaynor Bonilla

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply