Rep. Singson may sakit; arraignment kinansela

MAY sakit kaya’t magpapagamot si  Rep. Ronald Singson.

Ito ang idinahilan ng kongresista sa Hong Kong court kaya naipagpaliban kahapon ang arraignment o pagbabasa ng sakdal kaugnay sa kasong iligal  na pagdadala ng ipinagbabawal na gamot.

Si Singson ay humarap kahapon sa Wan Chai District Court kasama ang kaniyang abogado na si John Reading, kung saan hiniling nito ang pagpapaliban sa  arraignment dahil sa ilang “medical reasons.”

Dahil dito, muling itinakda ng korte sa October 19 ang susunod na pagdinig.

Noong September 19, sa kaniyang unang pagharap sa korte ay pinayagan si Singson na makapag-piyansa ng halagang HK$1 million (P6 million) at ang dalawa sa kaibigan nito ay pinagbayad din ng P1 milyon bilang surety.

Si Singson ay naaresto noong July 11 sa Hong Kong International Airport matapos marekober sa bagahe nito ang ilang gramo ng cocaine.

Sa naunang panayam kay Marikina Rep. Ramiro Quimbo na naatasan ng Kamara na dumalo sa unang pagdinig ni Singson sa Hongkong ay nagsabing may ” solidong kaso” ang Hongkong laban kay Singson. Meliza Maluntag

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply