Resort owner kinasuhan ng multi-million tax evasion

Sinampahan kahapon ng Bureau of Internal Revenue ng kasong tax evasion sa Department of Justice ang mga may-ari ng Club Manila East dahil sa kabiguan ng mga ito na magbayad ng tamang buwis sa loob ng 13 taon.

Kabilang sa mga kinasuhan ng BIR ang mga may-ari ng nasabing resort na sina Julio at Priscilla Cruz.

Nag-ugat ang reklamo matapos na lumabas sa isinagawang imbestigasyon ng BIR na binayaran lang ng mag-asawa ang income tax return para lang sa kanilang mga compensation income.

Batay sa report ng mag-asawa, umabot lang sa mahigit P9 milyon ang isinumite nilang income ng kompanya gayong sa beripikasyon ng BIR ay lumitaw na mahigit P783 milyon ang hindi inireport na kinita ng mag-asawa sa kanilang cash investment sa dalawang korporasyon mula 1992 hanggang 2004.

Depensa naman ng mag-asawang Cruz, ang nasabing cash investment ay mula sa kanilang personal loan pero nabigo sila na makapagpakita ng mga dokumento na susuporta rito.

Sinabi ni BIR commissioner Kim Henares na aabot sa mahigit P854 milyon ang kinakailangang bayaran ng mag-asawa sa gobyerno.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply