Resulta sa imbestigasyon ni De Lima ibibisto ngayon

TIKOM ang bibig ni Pangulong Benigno Aquino III sa kung ano ang nilalaman ng  report ng Incident Investigation and Review Committee (IIRC) na nakatakdang magtapos ngayon, Setyembre 15.

Ang IIRC na pinangungunahan ni Justice Sec. Leila de Lima ay binuo para magsagawa ng fact-finding investigation sa nangyaring madugong hostage crisis sa Quirino Grandstand noong agosto 23, 2010.

Inaasahang isusumite ng komisyon ang kanilang report ngayon kung saan malalaman ang dapat managot at posibleng masisante o makasuhan sa korte.

Nilinaw ni De Lima na  babasahin muna nito ang ulat bago magbigay ng anumang pahayag.

Sinabi pa rin ng Punong Ehekutibo na saka pa lamang malalaman kung dapat isapubliko at ipakita sa Chinese government.

Magkakaroon din  sila ng deliberasyon ni Foreign Affairs Sec. Alberto Romulo hinggil sa nasabing report.

“I hope they will finish by Wednesday. Let me first read it,”  wika ni Aquino. Kris Jose

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply