Reyes kinatatakutan sa 2010 China Open

IPAGPAPATULOY ni Efren “Bata” Reyes ang kanyang mahika sa tumbukan sa paglahok nito sa gaganaping 2010 China Open ngayong Setyembre 26 sa Minya Hotel sa Shanghai, China.

Si Reyes kilala bilang “The Magician sa larangan ng bilyar ay kapapanalo lamang sa 10th Annual Predator International 10-Ball Championship matapos talunin sa finals si Roberto “Pinoy Superman” Gomez (10-9) upang sungkitin ng una ang top purse na $10,000.

“Mas mahirap itong sasalihan natin ngayon kasi makakalaban natin ‘yung mga ibang top gunners sa ibat-ibang bansa pero kahit paano nakahanda tayo dyan,” saad ng 55 anyos at 1999 World 9-Ball Poll Championship king Reyes.

Makakasama ni Reyes na sasargo sa event na sanctioned ng World Pool-Billiard Association (WPA) at Asian Pocket Billards Union (APBU) si reigning Predator Sweet 16 Tournament Title.

Tinalo ni Corteza sa finals si Rodney “The Rocket” Morris ng United States (8-5) para makopo ang 10,000 Euros first prize.

“Sana suwertihin kami para makapag-uwi ulit kami ng karangalan sa bansa,” saad ni former Billiard and Snooker Congress of the Philippines (BSCP)National Championship ruler Corteza.

Ang nasabing dalawang event ay parehong ginanap sa SM North Edsa, Quezon City.

Ang ibang tutumbok sa China open ay sina reigning WPA World 9-ball champion Francisco “Django” Bustamante, 2006 Doha Asian Games 9-ball silver medalist at 2007 Manny Pacquiao International 9-ball Champion Jeffrey “The Bull” de Luna, Southeast Asian Games gold medalists Marlon “Marvelous” Manalo, Warren “Warrior” Kiamco at Japan Champion Ramil ”Bebeng” Gallego.  Elech Dawa

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply