RFID fee ire-refund — LTO

MAKALIPAS ang 15 araw na publication ay ibabalik na ng Land Transportation Office (LTO) ang P350 na Radio Frequency  Identification Device (RFID) fee na nasingil noong nakaraang Enero.

Ayon kay LTO chief Virginia Torres, palilipasin lamang ang 15 araw ay ilalarga na sa bawat rehiyon ang pera na isasauli sa mga motoristang nakapagbayad ng nasabing halaga para sa RFID.

Sinabi ni Torres na ipa-publish na ng ahensiya sa general circulation ang tungkol sa RFID refund. Ang pagbabalik sa RFID fee ay inutos na ng Commissioon on Audit (COA) at sinegundahan ng Solicitor General’s Office.

Una nang pinatigil ng Korte Suprema ang paniningil ng RFID makaraang sang-ayunan ang petisyon ng Bayan Muna, Piston, Gabriela at Anakpawis na ipatigil ang pagsingil ng Stradcom, IT provider ng LTO, sa RFID fee dahil wala itong bidding kaya’t iligal.

Dalawang linggong naipatupad ang pagsingil sa RFID fee noong panahon ni dating LTO chief Arturo Lomibao sa pagnanais na mawalis umano ang mga colorum na sasakyan.

Sinasabi naman ng iba’t ibang sektor na hindi na kailangan ang RFID para maiwasan ang colorum at out-of-line vehicles sa bansa basta ayusin lamang ng ahensya ang implementasyon ng mga batas. Santi Celario

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply