RH bill ilalatag na sa plenaryo

HANDANG sumugal ang liderato ng Kamara na isulong ang kontrobersyal na Reproductive Health Bill hanggang sa plenaryo sa kabila ng pagbabanta mula sa simbahan.

Inihayag ni House Speaker Feliciano Belmonte na posibleng kuyugin ng pakiusap at panawagan mula sa simbahan ang mga kongresista ngunit dedepende pa rin aniya ito sa distrito na kanilang kinabibilangan.

“I think every congressman will take that into account (pressures from Church) and hindi naman natin puwedeng sabihing balewala iyan, it depends in the various districts, even in Quezon City there is some impact on that. Everyone has to assess that for himself but we ourselves have assessed it in the past and the we are willing to take the risk,” paliwanag ni Belmonte.

Aniya, hanggang ngayon ay wala pa namang taga-simbahan ang lumalapit sa kaniya upang ipakiusap na patayin ang RH Bill na pangunahing inihain ni Minority Leader Edcel Lagman.

Sinabi ng speaker na malaking impluwensya para sa mga kongresista na palakasin at mas isulong ang RH bill matapos ikumpormiso ni Pangulong Aquino sa US government ang pagsuporta sa naturang panukala.

“I think to be very frank the stand of the President which they have reiterated, I think that will have some influence on our bill here which is now pending in the along with some bills with the same nature pending in the two committees, committee on Population and Committee on Health,” ayon kay Belmonte.

Samantala, tahasang sinabi nina Gabriela Reps. Luz Ilagan at Emmie de Jesus na maituturing na anti-poor ang pagbabanta ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na posibleng pangunahan ng mga pari ang civil disobedience sakaling maipasa ng administrasyong Aquino ang RH Bill. Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply