Robin: Hindi totoo ang Igorot wedding

Nagpaliwanag na rin sina Robin Padilla at Mariel Rodriguez tungkol sa napapabalitang kasalan na nangyari sa kanila sa Baguio. Wala raw kasalang nangyari sa Baguio. Isang Igorot ceremony lang daw ang nangyari para ipakilala si Mariel sa side ng family ni Mommy Eva Carino (mother ni Robin).

Pero totoong kasal na ang dalawa at nangyari ang Moslem wedding sa India mismo sa Taj Mahal last Aug. 19 pa, noong panahon na biglaang nagbakasyon abroad si Mariel na ikinagulat ang lahat. Hindi lang nila ni-reveal kaagad ang pagpapakasal nila sa India kasi may balak silang magpakasal din sa simbahan dito sa atin na isang Catholic wedding naman. Kaso dahil sa gulo sa lumabas sa Baguio wedding daw nila, napilitan na sila to come forward at aminin ang totoo.

Pareho rin nilang sinabi na wala silang balak na huminto na sa showbiz. Sa katunayan, may gagawin silang pelikula under Star Cinema na kukunan mismo sa India next moth. Isa ring sitcom ang nakatakda nilang gawin para sa ABS-CBN.

Hindi lang nasagot ni Mariel kung babalik pa ba siya sa Pilipinas Win Na Win. Pero malamang hindi totoong magko-co host siya sa bagong show ni Willie Revillame sa TV5 kasi obvious na mananatili siya sa ABS-CBN with Robin.

Hindi na rin napag-usapan sa SNN ang tampuhan na namamagitan ngayon kina Toni Gonzaga at Mariel para siguro hindi ma-spoil ang masayang pang-amin na ginawa nina Robin at Mariel sa show. Halatang super in love ang dalawa and we wish them all the best.

JAKE CUENCA, AYAW UMAMIN SA RELASYON NILA MI MELISSA RICKS

Hanggang ngayon ay ayaw pa ring umamin ni Jake Cuenca sa totoong relasyon nila ni Melissa Ricks. Kahit pa sabihing silang dalawa ang magka-date noong nakaraang Grand Star Magic Ball.

Sa palagay namin ay career move ito para sa dalawa kaya ayaw nilang umamin kasi hindi naman sila magka-loveteam. Ang next project ni Jake sa ay Green Rose kasama si Anne Curtis. At balitang may pelikula rin siya with Marian Rivera sa Regal Films naman.

Tanggap nga naman si Jake sa pagiging solo star at mas bongga ang career niya kapag ganito. Recently lang ay ni-launch na rin ang kanyang celebrity scents sa Bench na Exposed at Undressed sa Skydome, SM North EDSA with Gerald Anderson and Kim Chui.

***
Parang kelan lang pero nakaka-tatlong taon na pala ang Playboy Philippines ng Adamosmedia Publishing. Bukod sa magaganda at sexy na mga babaeng nakikita sa inside pages nito ay may investigative journalism, intellectual discourse at literary creativity din ito. And it has a 60,000 monthly circulation nationwide.

This September they have their annual Rock the Rabbit music issue at ang napili ilang cover girls ay ang sexy all-female group na PYT (Pretty Young Thing) na kinabibilangan nina Nichole Enriquez, Dania Soan at Ava Jugueta. Nagsimula sila noong 2008 at ngayon ay in demand na sila sa mga bar at club performances. Naihahantulad sila sa banyagang Destiny’s Child dati.

They are being managed by Jeffrey Tan of Bellhaus Entertainment at malapit nang ilabas ang kanilang debut album under Universal records. Sila rin ang latest celebrity endorsers ng Calayan Medical Group and has regular weekend gigs at Phi Bar Metrowalk Ortigas.

Malaki ang respeto nila sa grupong Mocha kasi ito ang pioneer ngayon ng sexy all-female groups. Pero hindi nila carry ang female-to-female kissing tulad ng pinauso ng Mocha. Pero napaka-sexy nila sa cover at inside pages ng September issue. Very classy ang dating ng semi nude photos nila. Xoxo/Tonee Coraza

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply