Robin Padilla, hindi babalikan ang PWNW

NASA huling linggo na ng Ramadan and to be exact, sa September 9 ang Edil Fitr, isang palatandaan ng  pagtatapos ng Fasting Month ng mga Muslim.

Maraming nagtatanong kung babalikan ba ni Robin Padilla ang ‘Pilipinas Win Na Win’ pagkatapos nitong mag-obserba ng Ramadan?  Sa isang buwan nitong pagkawala ay marami na ang nagaganap, nandy’an ang balitang wala nang babalikan ang aktor dahil ibabalik ang Pilipinas Deal Or No Deal. Balita rin na marami siyang pinagkakaabalahan tulad ng pagdadala nito sa kanyang bunsong si Ali sa kanyang ex-wife na nasa Australia at naka-plano ang paglalakbay nila ni Mariel Rodriguez.

Babalik man o hindi, aabangan na lang natin sa pagtatapos ng Ramadan, kung mapapanood muli ang aktor sa PWNW o ang pagbabalik ng dating programa ni Kris, PDOND ang mapapanood.

Kung hindi lang sobra ang kaabalahan ngayon ni Robin ay tiyak na hihingan siya ng suporta ng PsorPhil Organization, isang grupo ng may karamdamang soryasis.  Halata noong isang taon sa ginawa nilang ng Meet The Press na ginanap sa Imperial Plaza ay kitang-kita ang pagmamahal ng aktor sa kanila.

Talagang nakipagyakapan si Robin sa lahat ng mga gustong yumakap sa kanya na sobrang ikinagalak naman ng mga ito.  Naikuwento pa ni Robin na isang doktora ang kanyang kapatid at maraming pasyente itong may karamdamang soryasis. Dito niya nalaman na ang nasabing karamdaman ay hindi nakaka-hawa kaya hindi sila dapat pandirihan.  Kaya naman nang araw na ‘yun ay nagmistulang ‘Hug Me Day’ para iparamdam ng aktor ang kanyang pagmamahal at pagmamalasakit sa mga ito.

Ano kaya ang mararamdaman ng aktor kapag malaman na naghain ng demanda ang Psorphil laban sa Cebu Pacific Airways sa kasong may kinalaman sa ‘discrimination’ dahil ilang kasamahan nila ang ilang beses na discrimate sa pagsakay ng nasabing eroplano.

Ayon kay Josep de Guzman, ang presidente ng Psoriasis Philippines ay dalawang beses nakaranas ng discremination ang kanilang kasamahan.  Una noong Oktubre 2009 at nitong Marso lamang.  Noong una, hindi sila gumawa ng legal action laban sa Cebu-Pacific dahil humingi ang mga ito ng apology at nangakong hindi na nila ito uulitin. Kaakibat dito ay pagpasa ng memo sa kanilang flight surgeon na mag-issue ng medical bulletin para  turuan ang mga manager kung papaano mag-differentiate ang ‘soryasis’ sa ibang sakit sa balat.

“Ang pangako nila ay iti-train ang kanilang mga tao hanggang front line para hindi kami nadi-discriminate.  Maluwag sa loob namin na tanggapin ‘yong apology nila, but only to find out na naulit na naman sa isa naming kasapi sa ibang lugar.”

Sa pangyayaring ito ay ipinakita sa kanya ang company policy issued in February 2010 na hindi puwedeng pasakayin ang taong may severe soriaisis sa kanilang eroplano.  ” Maraming beses na kaming nag-travel but never kami na-discrimate sa aming flight patungong probinsya but only Cebu-Pacific does this.  In fact, mayroon na silang long history na nagdi-discrimate ng mga may kapansanan.”

Ayon pa rin sa kanya, nitong Disyembre lamang ay may nag-discriminate muli ang Cebu-Pacific ng isang special child kaya nagdesisyon sila na walang silbi ang pag-apologize sa kanila ng airline company kaya nag-raise sila funds para magamit sa paghain ng demanda laban sa Cebu Pacific Airline.

Sa pagkakatong ito ay gusto nilang humingi ng suporta kay Robin kaya lang sa sobrang kaabalahan ng aktor sa kanyang personal na buhay ay minabuti nilang mag-raise na lamang ng sariling pondo.  Alam nilang magbibigay ng malaking suporta ang aktor dahil naramdaman nila ang pagmamahal nito sa kanilang grupo pero mas pinili nilang hindi distorbuhin ito lalo na may problema ngayon ang aktor sa dating asawa.  STARBOOK/Alex Datu

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply