Robin Padilla, kinondena ng MILF at Imam sa Mindanao

IBINABAHAGI sa atin ng progresibong manunulat at feministang si Malu Esclanda ang opisyal na pahayag ng Moro Islamic Liberation Front o MILF kaugnay sa pagpapakasal ni Robin Padilla kay Mariel Rodriguez sa isang ritwal na Ibaloi sa Mountain Province kamakailan.

Ang pagtatali sa mga puso nina Robin at Mariel ay lumikha ng isang libo’t isang alingasngas sa ating lahat lalo na ang sekretong pagdiriwang nito at ang pagdaraos ng mga tradisyong Igorot sa okasyon, mga bagay na kabaligtaran ng mga kaugalian ng mga Muslim, ang mga kustombre at dating relihiyon ni Padilla.

Ayon sa isa sa mga tagapagsalita ng MILF na si Von-Al Haq, kasalanang mortal sa pananampalataya ng mga Muslim ang ginawang pagtatakwil ni Robin sa Islam.

“It is like a test on our faith. Isang malaking pagsubok ‘yan kay Robin pero nabigo siya. Bigung-bigo at automatic ay nawala na sa kanya ang isang pagiging Muslim. Islam is sacred and what he did is ‘haram,’” pahayag ni Von-Al Haq.

***

Lalo pang nagalit ang mga Muslim sa patrikular na isinagawag kalakaran nina Robin at Mariel sa ngalan ng pananalig ng Ibaloi.

Nagkatay pa ng baboy sa kasalan at ang sariwang dugo nito ay ipinahid sa mga mukha nina Padilla at Rodirguez bilang palatandaan na sila ay legal nang kasal sa mata ng mga diyos ng Ibaloi at ng mga tao.

Ayon kay Von-Al Haq, malaking krimen ang ginawa, partikular ni Binoe laban kay Allah, ang Diyos ng mga Muslim.

Para sa isa sa mga lider ng MILF, mali ang pagkatay sa hayop at sa pagpapahid ng dugo nito sa mukha ng mga tao.

Para sa mga Muslim, marumi ang tingin nila sa baboy at lalo pang nakapanlulumo ang pagkatay rito at lalo pang kahindik-hindik ang pagpapahid ng sariwang dugo nito sa mukha ng tao.

Ang ibig sabihin ng salitang “haram” ay ipinagbabawal.

***

Samantala, galit na galit, suyang-suya, sukang-suka, imbiyernang-imbiyerna at dismayadung-dismayado ang mga Muslim at ang Imam na si Abdul Malik sa ginawang pagtataksil ni Robin sa kanilang kinamulatan kabihasnan.

“That is blasphemy. Robin has indirectly relinquished his Islamic faith when he accepted the fact that the animal was sacrificed and its blood wiped on his face as part of the Ibaloi ritual. That is haram, that is forbidden,” pagdidiin Imam Abdul.

“He shall be punished (by Allah) in the afterlife. Robin is deemed incommunicado,” dagdag pa ng imam.

***

Sa gitna ng protesta ng mga Muslim ay patuloy ang pagpupulot-gata nina Padilla at Rodriguez sa India.

Ayon sa aktor, paborito niyang lugar ang India kaya doon niya napiling mag-honeymoon at para sa kanya, ang kanilang pagniniig ni Mariel ay walang kamatayan.

Samantala, itinakwil na rin ng ibang paksyon ng Ibaloi at ng mga Cariño sa Baguio City si Robin.

Ayon sa kanila, wala namang ugat ng Cariño sa Baguio City si Robin.

Pero matatandaan na bago pa mag-artista si Binoe ay lagi siya sa Baguio at marami siyang kaanak doon.

Pero bakit ngayon ay itinatakwil siya ng mga ito?

Wala namang pakialam ang mga Padilla sa pagbabale-wala sa kanila ng mga taga-Baguio City dahil para sa kanila, tubo talagang Baguio City ang mga Cariño dahil ang ina nila, si Eva Cariño ay may ugat sa Baguio City at sa Nueva Ecija.  Boy Villasanta

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply