Robredo kakaladkarin sa CA

PIPILITIN ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) na isalang sa kumpirmasyon si Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo kahit pansamantala o “acting” lamang ang kanyang kapasidad sa gabinete.

Sa magkakahiwalay na panayam, nagkakaisa ang karamihan sa miyembro ng CA na dapat isalang si Robredo dahil ginagampanan na niya ang tungkulin at sumasahod  bilang isang kalihim di tulad ng ibang “acting” na kumakatawan bilang officer-in-charge lamang ng partikular na departamento.

“Hindi ako naniniwala sa salitng acting secretary. Wala naman iyon sa Saligang Batas o anumang batas na puwedeng magtalaga ng acting sa kapasidad bilang kalihim. Kasi kung palaging acting ang gagawing titulo sa bawat kalihim, potensiyal na maabuso ang sisteman g ito,”  wika ni  Sen. Alan Peter Cayetano.

“Eh, kung lahat ng miyembro ng Gabinete gawin niyang acting secretary, eh di wala kaming ikukumpirma. Saka, kung acting ka, anytime puwede kang alisin, wala kang security of tenure,”  ani pa Cayetano.

Kahapon, nagsimula ang kauna-unahang plenary session ng CA sa pamumuno ni Senate President Juan Ponce Enrile kaya nahalal bilang vice chairman ng komisyon si Paranaque Rep. Roilo Golez, Rep.  Rep. Rodolfo Antonino bilang majority floor leader at Cayetano bilang minority floor leader.

“Dapat isalang siya (Robredo) sa kumpirmasyon dahil ginagampanan na niya ang tungkulin ng isang kalihim,” giit nina Sens. Gregorio “Gringo” Honasan at Ramon “Bong” Revilla Jr.

Idinagdag pa ni Cayetano na puwede pang hindi isumite ng Pangulo ang pangalan ng kanyang kalihim kung ginagampanan ng isang taga-loob ng departamento o isang undersecretary ang tungkulin nito.

Sa ganitong punto, inatasan ni Enrile ang Committee on Rules na pag-aralan ang lahat ng kaukulang batas at desisyon ng Korte Suprema hinggil sa naturang isyu na dapat isalang o hindi ang isang kalihim na itinalaga bilang acting secretary.

“There are clamor to submit his appointment for confirmation. Kaya inatasan ni Senate President Enrile ang committee on rules na pag-aralan ang isyu,” ayon naman kay Cavite Rep. Erineo Maliksi. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply