Romansa

HABANG nakatutok lahat ang mata sa naganap na hostage crisis noong Agosto 23, 2010 sa Quirino Grandstand na madugong nagwakas sa pagkapatay sa walong turista at ang hostage taker, inilunsad naman ang isang cultural show sa Manila Hotel malapit sa pinangyarihan ng hostage taking.

Hindi maitago ang lungkot sa mga mata ni Fame Flores, pangunahing tampok sa ‘Romansa’ dahil tila hindi naging maganda ang ‘timing’ ng show sa naganap na krisis.  Naharang ang ilang dapat sana’y manonood sa naturang palabas.

Gayunpaman, naging positibo pa rin siya na magiging matagumpay ang palabas sa first season nito sa loob ng magkakasunod na tatlong linggo na magtatapos sa Setyembre 04, 2010.  Muli itong babalik sa entablado sa unang linggo ng Nobyembre 15-20, 22-27, 29-30 at Disyembre 1-5, 2010.

Katutubong palabas (Cultural Show)

Nakatutuwa pa rin na panoorin ang katutubong palabas (awitin, sayaw) sa kabila ng ating makabagong panahon ika nga.  Iba pa rin talaga ang gawang Pinoy.

Ang Romansa ay isang musical show ukol sa ligawan.  Posible nga bang magkagusto ang isang tipikal na Pinay mula sa Silangan (East) sa isang lalaking taga-Kanluran (East)?

Oo ang sagot.  Inilarawan ito sa Romansa na kinatatampukan nina Fame Flores, 1st year Music Conservatory sa UP, Diliman, Quezon City at semi-finalist, Pilipinas Got Talent (PGT) at Brenan Espartinez ng GMA Artist Center.

“Akma ang boses at pagiging mahinhin ni Fame para palabas na ito gayundin si Brenan,” ayon kay Direk Freddie Santos.

Sa Pilipinas, bagama’t iisa ang ating lahi, magkakaiba ang istilo at kultura ng ligawan, romansa na nauuwi din sa kasalan. Kung mayroon mang nagbibigkis sa ating mga Pilipino, ito ay walang iba kundi ang pagmamahalan, pag-ibig at iba pang bagay na may kinalaman sa puso.

Sa pamamagitan ng mga katutubong awitin (kundiman), sayaw at mga awiting OPM (original Pilipino music) na isinulat sa Filipino at English, ipinamalas ang pagsasalarawan ng pagkikilala ng isang dalagang mayumi at ng isang modernong binata.   Ito ay matutunghayan sa Bulwagan ng Maynila, Manila Hotel, Lunes hanggang Sabado, alas 7:00 ng gabi.

Sa Pilipinas, tanging bansa sa Asya na matutunghayan ang ang makulay na romansa sa pinaghalong tradisyunal at makabagong istilo.

Tunghayan ang daloy ng mga katutubong awitin at sayaw sa Romansang Pinoy.

Pandanggo Sa Ilaw.  Isang katutubong sayaw gamit ang mga kandila, akmang tugtugin sa pagsisimula ng gabi ng Romansa.  Musika ng National Artist for Music Col. Antonio Buenaventura.

Ang Pagtatagpo

Sa makalumang panahon, dumadaan sa butas ng karayom ang isang binata kung nais niyang makila ang dalagang bumihag sa kaniyang puso. Hindi lamang ang dalaga ang liligawan nito kundi ang buong pamilya.
Pamaypay ng Maynila—awit at sayaw na nagpapahiwatig ng iba’t –ibang mensahe ng babae para sa kaniyang manliligaw sa pamamagitan ng pamaypay.  Siyempre, bilang isang dalagang Pilipina, hindi agad na ipinahahalata ng dalaga ang kaniyang tunay na damdamin sa binata.

Ang liriko (lyrics) ay likha ni Pastor de Jesus at musika ni Constancio de Guzman.
Katakataka—isang katutubong awitin na naglalarawan sa mahirap na sitwasyon at nakalilitong damdamin ng babae.  Likha ni Pastor de Jesus at musika ni Santiago Suarez.

Look In Her Eyes—isang ‘lively pop dance’ na naglalarawan sa hindi matawang atraksiyon ng binata sa babaeng nagpatibok ng kaniyang puso.  Likha at musika ni Gary Valenciano.

Reaching Out—Isang ‘pop ballad song’ na nagpapakita sa masidhing pagnanais ng binata na mapalapit sa kaniyang iniirog. Liriko at musika ni Gary Valenciano.

ANG PAGLILIGAWAN

Sa panunuyo ng binata sa dalaga, hindi ito nakukuha ng mabilisan.  Kakambal nito ang sakripisyo para patunayan sa dalaga at pamilya nito na siya’y totoo sa kaniyang hangarin na makuha ang matamis na ‘OO’ ng dalaga.  Kailangang palihim na ipakita ng binata ang pagiging pala-kaibigan sa una para hindi mabansangang ‘presko’ o mayabang.

Cariñosa—Sa awiting ito ipinakikita ng binatang lungsod (city boy) na naiintindihan niya na kailangang maging pasensiyoso siya upang makuha ang pagmamahala ng dalaga (country girl), maging ang pagmamahal ng kaniyang konserbatibong pamilya.

ANG PAGKAKAUNAWAAN

You Are My Song
—isang dueto na nagpapahayag ng kanilang emosyon o nararamdaman sa isa’t-isa matapos ang mga pagsubok. Orihinal na liriko ni Martin Nievera, musika ni Louie Ocampo at dagdag na lirikong Pilipino ni Freddie Santos.

Enganyosa—sayaw mula sa Philippine/Spanish aristocracy, ipinakita ng kababaihan sa kanilang ballroom attire nagpamalas ng bonggang sayaw.

Panderetas de Amor (Tambourines of Love)—mula sa rehiyon ng Kabisyaan ang sayaw na ito gamit ang Tambourine.

TAMPUHAN

Hindi nawawala ang tampuhan sa magsing-irog.  Bahagi ito ng romansa.  Hindi lantarang ipinakikita ng dalaga ang galit sa binata bilang bahagi ng kultura.  Sa makabagong panahon ‘lover’s quarrel’ ito
kung tawagin.  Tahimik at di-nag-uusap.

Leron-Leron Sinta—sa magkataliwas na kultura ng binata at dalaga possible kaya?  Simpleng paglalarawan ng pagtatampo ng dalaga sa binata pero umiiral sa puso ang damdamaing nagmamahal sa binata.

Pangalay Sa Agong—isang tradisyunal na sayaw mula sa tribong Tausug ng Mindanao na nagpapasiklaban ang dalawang mandirigma (manliligaw) na makamit ang pagmamahal ng dalagang sinisinta.

Karasuyugun sayaw mula sa tribu ng T’boli sa Lake Sebu sa lalawigan ng Timugang Cotabato na ipinakikita ang isang solong mandirigma na pumipili ng kaniyang mapangangasawa mula sa pamilya ng magkakapatid.

ANG PAGBABATI

Sana Maulit Muli—isang ballad song na nagpapahayag ng pagnanais na muling maibalik ang unang naramdamang pag-ibig at hinangad na muling maulit ang damdaming nagmamahal ng paulit-ulit. Liriko ni Angeli Panilinan-Valenciano at musika ni Gary Valenciano.

ANG PANGAKO

Forever More Medley—dahil sa pag-ibig,  natagpuan ng binata at dalaga na tanggap na nila ang kani-kanilang kultura samantalang nanatiling tapat sa kanilang mga damdamin sa isa’t-isa.  Ilan sa mga awiting tampok dito ay:

Forevermore—liriko at musika ng Side A Band Sana’y Wala nang Wakas—liriko at musika ni George Canseco Say That You Love Me—liriko ni Martin Nievera at musika ni Louie Ocampo Ikaw Lamang—liriko at musika ni Dodgi Simon Without You—likriko at musika ni Louie Ocampo
Buhay ng Buhay Ko—liriko at musika ni Nonong Pedero Gaano Ko Ikaw Kamahal—liriko ni Levi Celerio (National Artist for Music), musika ni Ernani Cuenco (National Artist for Music) Singkil—ito’y isang katutubong sayaw ng Muslim sa Mindanao na ipinalalabas sa mga mahahalagang okasyon.

Ang konsepto at direksiyon ng Romansa ay pinangunahan ni Freddie Santos, Musical Direction ni Monet Silvestre; Choreography ni Randy Guevara; Wardrobe Design Eric Pineda ; Lights and Sounds ng SoundCheck Inc.; Video Editing ni Shax Siasoco; Production Manager-Jingay Kaimo; Stage managers-Chie Villanueva, Perky Parong; Spinner-Bambi Santos; at staff—-Jojo Lopez.

Bakit si Fame at Brenan ang itinampok sa Romansa sa kabila ng mga popular na kabataang artista at mang-aawit na namamayagpag ngayon sa entertainment industry?

Ito ang aking tanong kay Direk Freddie Santos sa isang text message dalawang oras matapos kong mapanood ang matagumapy na cultural show.

Bilang tugon sa tanong ko, idinaan ni Direk sa email ang kaniyang sagot: ”I wanted two leads who were both young but whose personal cultural tastes were completely different.  Fame’s voice, which I never forgot since First Name, was by itself not only very appealing and surprising for someone so young, she is also physically attractive, feminine and fragile but with a bit of feist. In searching for the male lead, i asked Ida Henares of GMA Artist Center whom she would recommend and her answer i met with an instant yes!”

“Brenan Espartinez whom I had worked with since he was 11 years old and who is such a R&B/hiphop fan… put him side by side with Fame and I knew that I would have the contrast that the show needed.”

“I first worked with Fame when she was just 16 years old. She auditioned for a part in my new youth-oriented staging of my musical ‘First Name’.  She sang a broadway pop song but I sensed
something different in her tone.  Having been a voice major at UP College of Music, I can tell when a voice has innate “classical placement”.   I had her try out a couple of high notes and was surprised at how full and resonant her head tones were.  I asked her who trained her and when she replied ‘Evelyn Mandac’,  I nearly fell off my chair.  We’re talking about the only Filipina in the roster of the New York Metropolitan Opera, the only Filipina invited to sing at the exclusive ‘Glyndebourne Opera.
I immediately got Fame into the cast.”

Bakit Romansa?

“The Vice-President of Manila Hotel is Ricky Yap, son of a good friend of mine.  I had directed Ricky’s wedding and was thrilled he had risen nicely in the ranks of Manila Hotel.  He called me to ask for some ideas on what possible entertainment Manila Hotel can offer its guests and the public.  Ricky was just a baby when the Maynila Ballroom was created by National Artist for Architecture Leandro Locsin.   So I regaled him with stories of old about the Bayanihan dancers and the fashion shows at the champagne room, etc.   He got really interested and asked for formal proposals.

Times having changed, I decided to crossover formats, a style that is pretty much my signature.  For lunch, I decided on a program featuring a fashion show interspersed with fiesta dances from the 3 Philippine regions.   The show is called Kultura Fashionista and is a chic mix of traditional and trendy.    For the evening, i decided to propose:  A simple concert featuring international songs sung by local artists or a completely different offering:  story dances that frame a musical story essayed by OPM songs.  The story would be that of past and present,  cultural and pop, countryside and urban trying to get a “romance” going despite their obvious differences. I would outline these differences in costume,  movement and even language.  Both Ricky and the GM of Manila Hotel Leon Kikstra felt very strongly about this format and decided this should be the evening special at the Maynila.

TANGKILIKIN ANG SARILING ATIN
Sa ngalan ng bumubuo ng ROMANSA, inaanyayahan ang lahat na saksihan ang nasabig cultural show, lalo na sa mga kabataan.  Sa mga magulang at guro, magbubukas ito ng ideya sa kanila na makabubuti pa rin na alamin at ibagbunyi an gating mga katutubong awitin, sayaw, tradisyon at kultura.

Kay Direk Freddie Santos, binabati kita sa tagumpay ng iyong direksiyon at sa mga gumanap.  Sana’y hindi ka magsawa sa paglikha ng mga ganitong palabas upang hidi tuluyang mabaon sa limot  ng pamana ng ating lahi.  Congrats for the job well done!

Of course sa Manila Hotel, sulit ang venue sa sarap ng pagkaing Pinoy at magagalang na staff at waiters.

Sa mga nais manood, makipag-ugnayan lamang sa tanggapan ng Manila Hotel para sa tickets. Linda Bohol

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply