Romulo, Cornejos pinagbibitiw sa DFA

PINAGBIBITIW ng Migrante International ang dalawang matataas na opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA) dahil sa hindi  pagtugon sa pangangailangan ng mga Pilipino na may kasong drugs sa China.

Sinabi ni Gary Martinez, Secretary General ng Migrante sa ginanap kahapon  na pulong balitaan sa Tinapayan sa Dapitan, Sampaloc, Manila, dapat nang magbitiw sa  puwesto sina DFA Secetary Alberto Romulo at USEC Esteban Conejos dahil may kinikilingan sila sa pagtulong  sa ating mga Overseas Filipino Workers (OFW) na may kasong drugs nang ihayag nito na hindi umano  pakikialaman ng pamahalaan ang mga Pilipino na magkakaroon ng kaso kaugnay sa droga sa labas ng bansa.

Paliwanag ni Martinez na nang nagtungo ang Migrante sa tanggpan ng DFA upang humingi ng tulong sa kaso ng mga Pinoy na nahuli sa droga ay mistulang itinaboy sila gayung noong si Rep. Ronald Singson ang nasangkot sa droga ay mistulang sila pa ang nagprisinta sa pagtulong.

Nabatid na may 100 Pilipino ang nahatulan ng kamatayan kaugnay sa kasong droga sa China. Jocelyn Tabangcura Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply