Jejomar Binay inisnab ni Pangulong Aquino

TILA  walang tiwala si Pangulong Benigno Aquino III kay Vice-President Jejomar Binay na ipamahala ang pamahalaan habang nasa Estados Unidos  sa  anim na araw na pagdalo sa United Nations’ General Assembly.

Dahil dito, ayon kay Presidential spokesman Atty. Edwin Lacierda ay mananatiling naka-hands on ang Punong Ehekutibo sa kanyang mga gawain sa Malakanyang kahit nasa ibang bansa ito.

Sa katunayan ay  nagpalabas ang Pangulong Aquino ng isang direktiba na nagsasaad  na siya (Pang. Aquino) pa rin ang mamamahala ng gobyerno kahit ito ay nasa labas ng bansa para dumalo sa United Nations’ General Assembly.

” It’s a memorandum from the president thru the executive secretary  all heads of the agencies and depts. Under the executive branch. Sinasabi lang po dito na ang pangulo ay patuloy pa rin  gaganap ng kanyang tngkulin bilang presidente na tulad ng in the same manner na parang siya ay nasa Pilipinas,” wika ni Lacierda

Nilinaw ni Lacierda na  high-tech na ang komunikasyon ngayon kaya’t hindi na nito kinailangan pang italaga bilang caretaker ng pamahalaan at Malakanyang si VP Binay.

Subalit,  ipinauubaya naman   ng Chief Executive kay VP  Binay ang maging kinatawan nito sa mga “social functions” at pamumuno sa gagawing Cabinet meeting, katuwang si Executive Sec. Jojo Ochoa.

Sinasabing mula sa orihinal na 80 kasama sa presidential delegation para sa working visit sa Amerika ng Pangulo, binawasan na lamang ito sa 57, kabilang na ang presidente at apat na mga Cabinet secretaries.

Kabilang sa mga Cabinet secretaries na makakasama ay sina Foreign Affairs Sec. Alberto Romulo, Finance Sec. Cesar Purisima, Trade Sec. Gregory Domingo at Energy Sec. Jose Rene Almendras.

Sa panig ng media, 25 lamang umanong kinatawan ng iba’t ibang media networks ang kasama sa U.S. trip. Kris Jose

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply