RP jr. golfer Unson papalo sa Malaysia

Positibo si rising junior golfer Andrea Unson na malaki ang pag-asa niyang manalo sa 4th  Santi Cup event sa paparating na 50th edition ng Southeast Asia Amateur Golf Team Championship sa Royal Selangor Golf Club na magsisimula sa September 28 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Maglalaro sa unang pagkakataon sa Santi Cup, umaasa si Unson na magpapakita siya ng maganda sa prestigious tournament kung saan makakalaban niya ang powerhouse squads ng karatig bansa kagaya ng Thailand, Singapore, at iba pa.

“I really didn’t expect to be chosen in the team that’s why I am very happy with my selection by national coach Bong Lopez,” ani  Unson makakasama sina Putra Cup veterans Chihiro Ikeda, Dottie Ardina at kapwa jungolfer at reigning national amateur champ Irina Gabasa.

Ang desisyon ni Lopez na isama si Unson sa national squad ay bunsod ng maganda at impresibong record nito nitong mga nakaraang buwan.

Naiuwi ni Unson ang titulo sa girls’ 15-19 division sa 3rd  San Diego Junior Masters sa California; sa AccuSport Championship sa North Carolina; sa Optimist International Junior Golf Championship sa Florida; at sa US Women’s Amateur Sectional Qualifier sa California.

“She’s a great addition this year. I am confident that she’ll contribute to the team’s success,” ani Lopez.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply