RP Patriots handa na sa ABL

MAGANDANG pangitain ang natanggap ng RP Patriots sa malapit na pagsabak sa Air Asia Asean Basketball League na nakatakdang magsimula sa Oktubre 2.

Bukod kay 6’7 ex-pro na si Alex Crisano ay tiyak na rin ang paglalaro nina American reinforcements Anthony Johnson at Donald Little.

Makakasama rin sa Patriots ang mga dating player ng college-teams na sina Benedict Fernandez ng FEU, Jun Cabatu ng La Salle, Allein Maliksi ng UST, Kelvin Gregorio ng University of the East at Orly Daroya ng Arellano Chiefs.

Nauna ng pinangalanan sa line-up sina ex-PBA guard Egay Billones, Allan Salangsang, Chito Jaime at Harold Sta Cruz. Sila ay makahahalili nina Elmer Espiritu at Nonoy Baclao na kapwa bagong pasok sa professional league.

Wala rin sa line-up ang most valuable player na si Jason Dixon at Gabe Freeman na parehong may mga naunang kompromiso.

Pero malaki ang paniniwala ni coach Louie Alas at team manager Erick Arejola na magiging palaban ang mga bagong manlalaro ng team.

Umaasa naman sina Harbour Centre owner Mikee Romero at ang businessman Tonyboy Cojuangco na malaking bentaha sa koponan ang kanilang never-say-die attitude na  maipagtatanggol nila ang korona.

Kabilang sa mabibigat na team na makakasagupa ng Patriots sa 6-nation home-and-away tournament ay ang 2009 finalist na Satria Muda Britama ng Indonesia, Singapore Slingers at ang Kuala Lumpur Dragons. RT

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply